Blog

  • Madilim na Kwarto

    Madilim na Kwarto

    Naramdaman ko ang haplos sa aking likuran bigla akong napaatras habang suot ko ang aking itim na heels. Pinapanuod niya ako habangatinatangal ko ang lock ng kanyang pantalon. At parehas nakaming nakahubad. Hinawakan ko ang kanyang ari at napatingin siya saakin. Nakita ko ang pag ka exite sa kanyang mukha habang hinahawakan ko ito.

    Mayroong isang madilim na pinto sa dulo ng passage ay may nakalagay na “Contraceptives and Wipes.” At nakalagay sa dulo ng kwarto na”Have Fun!” May naririnig akong mahinang mga ingay sa likod ng pintuang iyon.

    Bumilis ang tibok ng aking puso ng may narinig akong ingay sa likod ng pintuang iyon at sinubukan ko itong buksan ng dahan-dahan. Hindi tumigil ang lakas ng tibok ng puso ko habang ito ay binubuksan ko.

    Habang ako ay naglalakad papasok ng madilim na kwaton iyon ay biglang may kumapit sa aking likuran at hindi ako lumingon at hindi ako sigurado kung sino ang aking nasa likod. Halos mapaluhod ako sa sobrang takot.

    Nakarinig ako ng mga ilang ingay na para bang may malakas na umuungol na para bang maraming mag asawa ang nasa loob ngunit hindi ko makita dahil madilim ang lugar na iyon. Sinusubukan ko ang aking mga mata na idilat at humanap ng liwanag ngunit ang kwartong iyon ay sadyang madilim.

    Gumapang ako ng bahagya at may bigla akong naramdaman sa aking likuran na mainit katawan na dumidikita sa aking dibdib at buong katawan. Nakiliti ang aking katawan ng mga oras na iyon. Ang aking hiyas ay biglang nabasa at may biglang humalik sa aking mga labi.

    Naramdaman ko na parang isang babae ang dumampi sa aking mga labi at kinapa ko ang kanyang mukha ng dahan-dahan habang kami ay nasa dilim. Naramdaman ko ang kanyang bibig sa aking pag haplos. Mag bibig niya na halos mapakagat labi na.

    Ang aking mga kamay ay ibinaba ko patungo sa kanyang tsan pababa sa kanyang baywang at patungo sa kanyang mainit na hiyas. Pinagpatuloy ko ang pag haplos sa kanyang katawan kasabay ng paghanap sa kanyang mainit na butas.

    Napatigil ang aking kamay sa paghawak sa kanya habanga kami ay nasa madalim ng kwartong iyon dahil nagulat ako na may tumitira sa kanya ng dahan-dahan. Hindi ko ito makita sa kadahilanang napakadilim ng kwartong iyon. Napataas ang aking kilay sa pag ka bigla sa aking nadama.

    Ibinaling ko ang aking ulo at nakaharap sakanyang likuran habang hinihimas ko ang kanyang clit at bumubuntong hiningi siya habang patuloy ko itong ginagawa sakanya. Bigla kong naramdaman ang isang matigas na alaga na biglang sumulpot sa haapan ng aking mukha at pinilit itong ipasok sa aing bibig.

    Habang ako ay nakasubo sa isang sumulpot na matigas na ari saaking mukha ay isinubo ko na ito ng mabilis at nilaro ng husto. Napalabas ko rin ang mainit na gatas ng isang babaeng nandoon. Ramdamkoang malagkit na juice sa aking mga bibig at pisngi. Ako ay nag hahangad na sana ay siya ay isang babae na lamang talaga.

    Nag aantay ako na dumapi muli ang kanyang bibig sa aking at muli maramdaman ang init ng kanyang mga labi. Hinawakan ko ang kanyang ari at hinimas ito ng maigi hanggang sa nararamdaman ko na ang kanyang frecum saakin.

    Isinubo ko ang anyang ari at gusto kong siya ay labasan sa aking bibig habang ginagawa ko ito ay ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa aking likuran at tinira ako ngpatalikod habanga nakasubo ako sa isa pang alaga na lalabasan na rin.

    Nabigla ako sa ngyari ngunit napakasarap ngexperience nito saakin at napa ungol ako ng malakas dito. Ang aking buong katawan ay nanginig ng may biglang ngyaring ganoon. Pakiramdam ko ay may sasabog sa aking bibig at sa loob ng aking katawan.

    Naalala ko ang aking partner at kung paano ako nilalabasan sa kanya, habang ako ay tinitira saaking likuran ay ramdam ko ang tensyon at nginig ng aking katawan. Ipinagpatuloy ng lalaking nasaakinglikod ang pag bayo niya saaking likuran.

    Itinaas ko pa ang aking likurang bahagi para sakto sakanyang ari at maging mas masarap pa ang bawat pasok nito saakin. Napa ungol ako ng malakas ng binilisan niya ito hanggang sa ako ay labasan. Ramdam ko ang bilis nito dahil siguro sa aking likuran.

    Naramdaman ko ang bigat ng kanyang katawan habang siya ay nasaaking likuran at pag katapos ay hinaplos niyang muli aking aking nagiinit pa ring katawan. Hangang sa muli niyang pinasubo saakin ang kanyang matigas na ari.

    Pagkatapos niyang labasan ay napahiga ako sa sahig sa sobrang pagod ngunit makalipas ang ilang minuto ay may isa nanamang ari ang dumampi sa aking mukha. Hinalikan ko ito at isinubo ng buo hanggang sa ito ay tumayo nglubusan.

    Ng ito ay tumayo inilabas pasok ko ito sa aking bibig at hinawan ko ito ng mahigpit habang naasubo sa akin bibig. Ramdam ko ang mga frecum na dumadaloy sa aking mga labi na tila ba siya ay sabik nasabik ng labasan.

    Makalipas ang ilang minuto ay hinila niya ako patalikod sa kanya at hinampas ang aking likurang bahagi at maya-maya pa ay ipinasok naniya ito sa aking ari. Ramdam ko ang pagod ng mga oras na iyon ngunit ramdam ko rin ang sarap ng bawat pasok nila sa aking likuran.

    Makalipas pa ang ilang minuto ay muli niya akong tinira sa aking likuran at inayos ang posisyon para makapasok ang kanyang ari saakin at muli niya itong binayo ng mabilis. Ramdam ko ang tigas ng kanyang ma ari habang ito ay bumabayo sa aking lukuran.

    Tumigas ng tumigas ang kanyang alaga hanggang sa ako ay labasan na. Ramdam ko ang bigat at bilis ng kanyang katawan binilisan pa niya ito hanggang siya ay malapit ng labasan. Mga ilang minuto pa ay hinugot niya ito at isinubo saaking bibig.

    Muli ko itong sinubo hanggang sa labasan ito sa aking bibig. Napaungol kami pareho sa sarap at init ng kanyang gatas na umaagos sa aking bibig hanggang sa aking mga pisngi. Ramdam ang pagod sa kanyang mukha…

    Ang aking dila ay dumampi sa kanyang hiyas at napansin ko na siya na habang siya ay sinusubo ang aking alaga habang dinidilaan ko ang kanyang mga hagod ay pasarap ng pasarap. Ramdam ko ang bigat ng kanyang katawan habang ito ay nasaaking harapan.

    Inihiga ko siya sa lapag at naramdaman ko ang kanyang mga labi na dumadampi sa aking mga labi habang sinubusubo niya angaking alaga. Gumalaw ako sa kanyang buong katawan para makita ko at maramdaman ang kanyang mainit na butas. Sinubukan kong ipasok ang alking alaga sa kanyang mainit na butas at kitang-kita ko ang pag labas pasok ng aking ari sa kanyang mainit na butas habang dumudulas sa kanyang hiyas.

    Ang kanyang mukha ay na-pangiwi sa sobrang nasasarapan sa aking ginagawa. Ramdam ko ang pag ikot nito sa kanyang hiyasat napauwe ako at patuloy ang aking pag sulyap sa napaka-gandang katawan ng aking partner.

    Pero hindi korin ganoon kalinaw na nakikita ang kanyang buong katawan gawa ng napakadilim na kawarto. Naghanap ako ng isa pang matigas na alaga na pwedeng pumasok sa aking likuran at ilang minuto lamang ang lumipas ay may biglang humawak nanaman saaking likuran at sinubukang haplusin ang aking katawan. Hinalikan ko siya.

    Katulad ng kanyang pag hawak saakin at sinabayan ko ang bawat galaw ng kanyang katawan patungo sa aking katawan. Habang ito ay humahawak sa aking katawan ay unti-unti akong bumaba patungo sa kanyang ari at sinimulan ko itong isubo at ramdam niya ang init ng aking bibig na sumubo sa kanyang ari.

    Halos galit na galit na ito at bigla siyang tumayo sa lapag at humarap saakin at hiniling ko sakanyang baka pwede siyang maglagay ng contraceptive bago niya ito ipasok sa aking katawan. Habang kami ay mag kaharap inilagay niya ito sa kanayang ari at inayos ito at kita ko ang magandang tigas ng kanyang alaga.

    Hinila niya ako at ipinasok ang kanyang alaga saaking medyo masakit na na ari noong mga oras na iyon at dahan-dahan niya itong pinadulas papasok sa aking hiyas at habang siya ay umuungol at binaba ko pa ang aking katawan para maipasok niya ng maayos. Ng maipasok na niya ito ng todo sa aking hiyas ay nagulat ako sa aking naramdaman.

    Halos tumangi na ako sa lalaking ito na huwag na siyang pumasok sa aking likuran at dahil ao ay sobrang pagod na ng oras na iyon ngunit hinila niya ang aking buhok at wala akong nagawa kung hindi sumunod na lamang sakanya.

    Pinilit niyang isubo sa aking bibig ang kanyang alaga hanggang masagad ko ito sa aking lalamunan. Sumigaw ako ng malakas noong ako ay pwenersa niya na isubo ang kanyang alaga sa aking bibig. Ang malaki niyang alaga ay napilitan akong isubo ito.

    Habang tumatagal ay binibilisan nito ang pag bayo saaking bibig gamit ang kanyang alaga at sa di inaasahang pagkakataon ay muli tumigas attaumayo nanaman ito ng sobra. Tinanggal niya ito at pinilit akong tumaliod at ipinasok niya sa aking liurang bahagi ang kanyang alaga.

    Ramdam ko ang tigas at haba ngkanyang alaga sa aking likuran habang ito ay nilalabas pasok niya. Ramdam na ramdam ko ang bawat galaw nito sa likod ng aking likuran na para bang halos wala ng bukas. Napaungol siya ng malakas noong ako ay sumabay na sa kanyang pag bayo.

    Ipinasok din ng isa pang lalaki ang kanyang ari sa aking hiyas naman at ang init na nadarama ko noon kasabay ng sakit ay talaga namang napakasarap. Hindi ko inaasahan na kaya pa ng aking maliit na katawan na labanan at tapusin ang ganoong posisyon na may dalawangari na nakapasok sa akin.

    Tinanggal ng isang lalaki ang kanyang ari at ipinasok muli sa aking bibig ng malapit na itong labasan. Trinabaho ko ng husto ang kanyang alaga para ito ay matapos agad at hindi nga nag tagal ang ilang pang minuto ay ito ay nilabasan na sa aking bibig.

    Ang sumunod na ngyari ay ang lalaking nakapasok sa saaking hiyas ay itinnuloy ang kanyang pag bayo sa aking harapan. Ang bigat at lakas ng bawat pag bayo nito sa aking hiyas ay nakapag palabas saakin ng isang mainit na gatas mula sa aking hiyas.

    Ilang segundo pa ang nakalipas at nilabasan na ito sa aking ari. Bago siya labasan ay tinanong niya ako kung pwede ba niyang iputok ito sa loob at sinambit ko sakanya na okay lamang. Ilang segundo pa ang makalipas ay inulit nito ang pag bayo hanggang ilabas na niya ang lahat ng gatas sa kanyang matigas na alaga.

    Ramdam ko ang dalawang bola na sumasagit sa ibaba ng aking hiyas habang ito ay ginagawa niya. Hindi ko mapigilang umungol ng malakas hanggang sa marinig ako ng ibang taong narooon. Napaluha ako sa sobrang sakit at sarap at pagod na aking naramdaman.

    Tuloy-tuloy lang ang pasok ng mga tao sa isang madilim na kwarto na iyon ngunit ako ay nag desisyun na lumabas na munapara uminom at makapagpahinga. Isang masarap at hindi malilimutang karanansan ang aking naranasan sa madilim na kwartong iyon.

    Habang nag lalakad ako palabas ng madilim na silid na iyon ay may mga naapakan akong mga taong nag tatalik pa rin. Hindi mo sila makikita sa sobrang dilim ng kwarto ngunit madarama mo ang kanilang mga katawan ay nagiinit at ang amoy ng pakikipagtalik sa buong silid na iyon.

    Ng ako ay makalabas na isang lalaki ay humarang saakin at sinambit nanapakasarap ng naranansan niya sa loob, nag kwento siya ng mga sumunod nangyai. Ibinahagi ko rin sakanya ang aking naranansan at habang tumatagal ang aming usapan ay napag tanto ko na siya pala ang huling laling aking nakatalik roon.

    Kung ibabahagi ko ang itsura ng lalaking ito ay talaga namang siya ay napakakisig. Nag ka kwentuhan kami ngkaunti habang ako ay umiinom sa labas at nasambit nito na gusto niya akong imbitahan sa kanyang kwarto ngkami lamang at ipag patuloy sa isang maliwanag na lugar naman. Ibinahiga din nito saakin na gandang –ganda siya sa hubog ng aking katawan habang siya ay nakikipag talik saakin.

  • Angelita

    Angelita

    ni Maccheb

    Sa kabila ng maunlad at sibilisadong pamumuhay sa lungsod, hindi pa rin nito maikukubli ang katotohanang may mga naiwan pa ring natutulog sa mga kalye. Sila ang mukha ng kahirapan. Ang katotohanang kahit pilit itago ng lipunan ay hindi kaylanman mapagtatakpan ang tunay na kalagayan. Salat sila hindi lamang sa kayamanan kung hindi pati na rin sa pagmamahal. Ang batang tulad nina Angelita at Lucia na sana ay nag-aaral at tinatamasa ang kanilang kabataan ay napipilitang mamalimos sa lansangan upang may maitugon sa kalam ng tiyan. Sila na dapat nakikipaglaro at nakikipagtawanan sa ibang bata ay maagang namumulat sa kahirapan. May mga pagkakataong natutukso siyang magnakaw at mandukot subalit batid niyang ito ay hindi tama.

    “Ale, palimos po. Pambili lang po ng pagkain.”

    “Wala,” malamig na tugon ng ale.

    “Sige na po. Kahit barya lang po,” pakiusap ni Lucia. Marahan niyang hinawakan ang laylayan ng bestida ng ale. Nagsalubong ang kilay nito at binigyan siya ng matalas na tingin.

    “Bitiwan mo nga ako. Ang dungis-dungis mo. Ang baho-baho mo pa!” bulyaw nito sa kaniya. Itinulak siya nito nang malakas kung kaya’t napaupo siya sa lupa.

    “Patawad po,” tugon niya sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.

    “Umalis ka nga diyan! Sinisira mo ang araw ko!” muling bulyaw nito at tuluyan na siyang tinalikuran.

    Sa hindi kalayuan ay nadako ang kaniyang tingin sa mag-inang papadaan. Maganda ang kaniyang kasuotan, bago ang sapatos at may magandang ipit sa buhok. Hindi niya maiwasang mainggit. Iniluha na lamang niya ang nararamdamang sakit. Nagulat na lang siya nang masagi siya ng isang lalaki.

    “Ano ba bata? Huwag kang haharang-harang sa daan!”

    “Pasensiya na po.” Dahan-dahan siyang tumayo buhat sa pagkakaupo sa lupa at naglakad pabalik sa kaniyang kapatid.

    “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit umiiyak ka?” untag ng ate Angelita niya.

    “Ayaw nila sa akin ate. Nakakainggit iyong batang babae na nakita ko. Ang gara ng damit niya. Iyong sapatos niya, mukhang mamahalin. Ang ganda rin ng buhok niya, may ipit pa,” paglalarawan niya.

    “Hayaan mo, kapag nakaipon ako bibilhan kita ng damit. Pero iyong mura lang ang kaya ko. Tumahan ka na. Tara, balikan na natin si Nanay,” alok ni Angelita.

    Nagmamadali silang bumalik sa ina ngunit hindi nila ito nakita roon. Tanging ang kanilang iilang damit at tagpi-tagping kahon na nagsisilbi nilang higaan ang naiwan doon. Lumapit sila sa isang tindera na malapit sa kanila at ito ang nagsabi nang masaklap na sinapit ng ina.

    “Mayroon siyang matandang babae na tinulungan at natuwa ito sa kaniya kaya’t binigyan siya ng dalawang libo. Binigyan din siya ng ilang supot na pagkain. Sa kasamaang palad, nakita iyon ng isang mama na may masamang motibo. Inagaw niya ang mga ito sa Nanay ninyo at sapilitang kinuha ang pera ngunit nanlaban siya. Nakipagbuno siya sa mama. Huli na nang makita naming may dala itong balisong at pinagsasaksak siya,” kwento ng tindera.

    “Bakit hindi man lang po ninyo tinulungan si Nanay?” untag ni Angelita.

    “Ipagpaumanhin ninyo, natakot kami.”

    “Nanay!” sigaw ni Lucia. Nagsimula nang mag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.“Nasaan na si Nanay ate?”

    “Nasaan na nga po ba si Nanay?”

    “Wala na ang Nanay ninyo. Hinahanap nga kayo kanina ng mga pulis para isama kayo. May umako na sa pagpapalibing sa kaniya.” Pagkarinig nila noon, tila gumuho ang mundo nila. Agad nilang pinuntahan ang ina.

    Dahil wala nang mag-aalaga sa kanila, dinala sila sa bahay ampunan. Hindi pa man nila lubusang naiintindihan at natatanggap ang maagang pagkawala ng ina ay pilit silang nagpapakatatag. Lumipas ang ilang buwan at doon ay nagkaroon sila ng panibagong pamilya. Subalit nang matuklasan nilang may aampon sa kanila at hindi sila magkasama, tumakas sila sa bahay ampunan. Muli silang nagpalabuy-laboy sa kalye.

    “Ate, nilalamig po ako.”

    “Ano?” Nilapitan siya ng kapatid. “Naku Lucia, may lagnat ka.”

    “Gutom na rin po ako.”

    “Sige, dito ka lang. Maghahanap ako ng makakain. Babalikan kita, sandali lang si Ate.”

    “Ingat ka ate Angelita ah. Babalik ka. Kapag nawala ka, wala nang matitira sa akin.”

    Napaiyak si Angelita sa sinabi ng kapatid kung kaya’t lalo siyang nagpursigeng maibili ito ng pagkain at gamot. Marami siyang nilapitan subalit pinapaalis lang siya at hindi pinapansin. Nakiusap din siya sa botika na bigyan siya ng gamot ngunit pinagtawanan lang siya ng mga ito. May isang lalaking tumawag sa kaniya at sandaling pinabantayan ang dalang sasakyan. Pagbalik nito ay binayaran naman siya subalit sadyang kulang pa. Hanggang sa namalayan na lang niyang umiiyak na siya habang naglalakad sa kalye. Natigilan siya nang may tumawag sa kaniyang pansin.

    Isang magarang sasakyan ang huminto sa kaniyang harapan. Doon ay lulan ang isang babae na tinatawag siya. Hindi naman siya nag-atubiling lapitan ito.

    “Bata, bakit ka umiiyak? Nawawala ka ba?” untag ng babae sa kaniya.

    “Hindi po.”

    “Kung ganoon, ano bang problema?”

    “Iyong kapatid ko po kasi, inaapoy po ng lagnat. Kailangan niya po ng makakain at makainom ng gamot pero kulang po ang pera kong pambili. Nag-aalala na po ako sa kaniya. Baka kung napaano na siya kasi kanina ko pa po siya iniwan. Siya na lang po ang mayroon ako. Ayaw ko po na pati siya mawala,” kwento niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak.

    “Halika, sumakay ka. Ituro mo kung nasaan ang kapatid mo. Dadalhin natin siya sa Ospital,” alok ng babae. Pinagbuksan naman siya agad ng pinto ng driver nito.

    Isinugod nila si Angelita sa Ospital. Doon ay nabigyan siya ng nararapat na medikasyon para sa kaniyang kalagayan. Nagpabili rin ang babaeng tumulong sa kanila ng makakain. Habang pinagmamasdan niya ang mukha ng babaeng itinuturing niyang hulog ng langit sa kanila ni Lucia, nakikita niya rito ang kabutihan. Sa mga mata nito ay ang sinseridad na tumulong sa kapwa. Nilapitan siya nito at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

    “Ikaw? Kumusta naman ang pakiramdam mo?”

    “Maayos naman po ako. Maraming salamat po ale.”

    “Tawagin mo na lang akong ate Tessa. Iyong doktor na umaasikaso sa kapatid mo, asawa ko iyon.”

    “Ako po si Angelita at Lucia naman po ang pangalan ng kapatid ko. Ang bait naman po ninyo. Mapalad po ang inyong mga anak,” tugon niya. Bigla namang dumungaw ang luha sa mga mata ni Tessa. “Bakit po? May nasabi po ba akong masama?” untag niya.

    “Wala. Kasing gulang mo na sana ang aming anak kung hindi siya nagkasakit nang malubha. Iniwan niya na kami.”

    “Patawad po.”

    “Wala iyon. Nasaan ba ang mga magulang ninyo?”

    “Wala na rin po sila. Dinala po kami sa bahay ampunan noong mamatay ang Nanay namin pero tumakas po kami kasi narinig ko po na may magkaibang pamilyang aampon sa amin.”

    “Bakit naman kayo tumakas? Alam mo bang mas maaalagaan kayo roon?”

    “Alam ko po pero ayaw ko rin po na magkahiwalay kaming magkapatid,” malungkot niyang sagot.

    Mula ng gabing iyon, lagi sila nitong dinadaanan sa kanilang tinutulugan sa kalye. Binibigyan sila ng pera at pagkain. Tuwang-tuwa naman si Lucia tuwing makikita ang mag-asawa. At ganoon din naman si Angelita. Isang araw, isinama na sila nito sa kanilang bahay.

    “Ang ganda naman po ng bahay ninyo,” saad ni Angelita na manghang-mangha sa kaniyang nakikita.

    “Oo nga po, ang laki!” sabat ni Lucia.

    “Mula ngayon, bahay na rin ninyo ito.”

    “Ano po?” naibulalas nilang magkapatid.

    “Nag-usap na kaming mag-asawa na kupkupin kayo. Kami na ang aampon sainyo at magiging pangalawa ninyong magulang. Iyon ay kung papayag kayo.”

    “Opo!” magkasabay na tugon ng dalawang bata. Umiiyak nilang niyakap si Tessa at ang asawa nitong si Sid.

    Tila muling nadugtungan ang kanilang buhay at nabigyan ng pag-asa. Inakala nilang sa pagkawala ng kanilang ina ay mawawalan na rin ng saysay ang kanilang buhay. Ang mag-asawa ay nagsilbing mga anghel na nagbukas ng pinto patungo sa magandang bukas sa kanilang magkapatid. Muli silang nangarap. Muling iginuhit ang bukas na minsan ay naging malabo para sa kanila. Hindi nila inakalang makatatagpo sila ng mga taong tatanggap at magmamahal sa kanila kahit hindi sila tunay na kadugo.

    “Mga bata, bukas ipai-enroll ko kayo sa eskwela. Kaya gumising kayo ng maaga ha?”

    “Talaga po Mama Tessa?” untag ni Angelita na ngiting-ngiti dahil sa kaniyang narinig.

    “Oo, mag-aaral kayo. Pag-aaralin namin kayo hanggang kolehiyo. Makakasama ninyo kami sa pagtupad ng mga pangarap ninyo. Ano ba ang gusto ninyong maging paglaki ninyo?” untag niya sa dalawang bata.

    “Gusto ko pong maging guro,” mabilis na sagot ni Angelita. Nabaling ang kanilang tingin kay Lucia na tutok na tutok sa panonood ng telebisyon. Kung kaya’t inakala nilang hindi ito nakikinig.

    “Ikaw Lucia?” untag ni Tessa.

    Tahimik itong tumingin sa kanila na wari ba’y nag-iisip. “Gusto ko po maging isang magaling na doktor katulad ni Papa Sid. Gusto ko pong manggamot at maglitas ng maraming buhay,” nakangiti nitong sagot. Natuwa naman si Sid sa kaniyang narinig kaya tinabihan niya ito at kinandong.

    “At dahil nandito si Papa, tuturuan kita at susuportahan sa pangarap mong iyan.”

    “Salamat po,” tugon ni Lucia.

    “Basta mag-aral kayong mabuti ha? Kahit hindi para sa amin, para sa mga magulang na lang ninyo. Kung nasaan man sila, alam kong tuwang-tuwa sila at ipinagmamalaki kayo,” sabat ni Tessa.

    Naging larawan sila ng isang masayang pamilya. At ang kanilang tahanan ay naging pugad ng tunay na pagmamahalan. Subalit may nagbabadyang trahedya na susubok sa bawat isa.

    “Kompleto na ba ang mga gamit ninyo? Wala na tayong nakalimutang bilhin?” untag ni Tessa.

    “Wala na po Mama Tessa, sobra-sobra na nga po ito,” sagot ni Angelita.

    “Ikaw talaga Angelita oh, wala iyan.” Papasok na sana sila ng sasakyan nang hilahin ni Lucia ang laylayan ng kaniyang blusa. Napatingin siya rito at tumambad sa kaniya ang malungkot na mukha ng bata. “Bakit Lucia?”

    “Mama Tessa, gusto ko po noon.” Itinuro ni Lucia ang mga lobong hawak-hawak ng isang lalaki. Napangiti naman si Tessa at hinimas ang ulo nito.

    “Tinakot mo naman ako. Akala ko kung ano na.”

    “Pasensiya na po.”

    “Huwag na Lucia. Hindi naman importante iyan,” pagtutol ni Angelita.

    “Ayos lang. Dito lang kayo ha, bibili ako.” Mabilis na nilapitan ni Tessa ang tindero at ibinili si Lucia ng kulay rosas na lobo. Patawid na si Tessa pabalik sa dalawa nang makita ni Angelita ang paparating na sasakyan. Tila hindi naman ito nakita ni Tessa na na dumire-diretso lang.
    Mabilis na tumakbo si Angelita palapit kay Tessa at itinulak ito pabalik sa gilid ng kalsada. Natumba naman si Tessa at nabitawan ang hawak niyang lobo. Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na busina ng sasakyan at lagabog nito. Nang lingunin ito ni Tessa, napasigaw na lang siya ng iyak.

    “Angelita!”

    Nagkagulo ang mga tao. Dinampot nila ang duguang bata at mabilis na isinakay sa sasakyang nakabangga rito. Iyak naman ng iyak si Lucia nang datnan ni Tessa. Sinundan nila ang nasabing sasakyan sa Ospital kung saan dinala ang bata.

    “Tama na Lucia, huwag ka na umiyak.”

    “Kasalanan ko po Mama Tessa. Kung hindi po ako nagpabili ng lobo, hindi siya mababangga.”

    “Hindi anak, kasalanan ko.”

    “Hindi po, kasalanan ko nga po talaga iyon.” Muling umiyak si Lucia.

    “Huwag na kayong magtalo kung sino ang may kasalanan dahil hindi naman iyon mahalaga. Aksidente ang nangyari at walang may gusto noon,” sabat ni Sid.

    “Sid? Kumusta si Angelita? Anong lagay niya?” malungkot na mukha ang isinagot ng asawa. Napailing ito kung kaya’t nagsimula na ring umiyak si Tessa.

    “Ginawa na nila ang lahat pero hindi kinaya ng bata. Wala na siya,” mahinang sagot ni Sid. Sabay silang napatingin kay Lucia na noon ay mas lumakas pa ang pag-iyak.

    “Ang ate ko. Wala na ang ate ko. Mag-isa na lang ako,” nasabi nito sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. Humagulhol ito na halos hindi na nila alam kung paano pa patatahanin. Tanging mahigpit na yakap lamang ang naitugon ng mag-asawa sa batang tila muling nadurog dahil sa mga nangyari.

    Pagkalipas ng ilang buwan, hindi pa rin makalimutan ni Tessa ang mga nangyari. Ang batang kumuha ng pansin niya noon, tinulungan niya, pinakain, kinupkop at minahal ay namatay dahil sa pagliligtas sa kaniyang buhay. Sinisisi niya pa rin ang sarili sa sinapit ng kaawa-awang bata.

    “Mama Tessa…” tawag ni Lucia sa kaniyang pansin na kumakalabit sa kaniyang balikat.

    “Bakit anak?” untag niya.

    “Umiiyak na naman po kayo. Pinatawad ko na po ang sarili ko dahil sa nangyari, sana kayo rin po. Isa pa, baka po makasama iyan sa kondisyon ninyo.”

    “Pasensiya na anak, hindi ko lang talaga makalimutan ang ate Angelita mo.”

    “Ako rin po pero kailangan nating tanggapin. Tahan na po.” Pinunasan niya ang luha sa mga mata ni Tessa. “Baka po kung ano pang mangyari kay baby Angela kapag nalungkot pa rin kayo nang nalungkot.”

    “Oo nga ano?” bulalas ni Tessa. Napangiti na lamang siya dahil sa gulat sa sinabi ni Lucia.

    “Kaylan po ba lalabas ang kapatid ko?” untag ni Lucia.

    “Ilang buwan na lang anak, magiging ate ka na.”

    “Yehey!” naisigaw sa tuwa ni Lucia.

    Niyakap ni Tessa nang mahigpit ang tuwang-tuwang si Lucia na nasasabik na sa isang kapatid. Nawala man si Angelita sa kanilang piling, hinding-hindi ito mawawala sa kanilang mga puso at isipan. Lumipas man ang mahabang panahon, siya ay mananatiliing parte ng kanilang mga buhay.

    WAKAS

  • Bahay-bahayan

    Bahay-bahayan

    Ilang minuto na si Anton sa labas ng inuupahang bahay ng Kuya niya. Pangatlong istik na ng yosi ang hawak niya. Hithit-buga. Kakatok ba siya? Taragis na buhay ‘to, bulong niya sa sarili. Hithit-buga. Mabigat kasi sa loob niyang humingi ng tulong dito dahil sermon lang ang aabutin niya. At ipapamukha na naman sa kanya ang mga pinagdaanan niya. Na kesyo wala siyang magawang mabuti at puro problema ang dala. Saktong huling hithit niya sa yosi nang biglang bumukas ang pinto.

    “Hoy, ano papasok ka ba? E, kanina pa kita nasisilip sa bintana, balak mo yatang sunugin yang baga mo, e. O, bakit may dala kang bag? Game-over na ba?” Sunod-sunod na dakdak ng kuya niya.

    “Kasi Kuya,” nahihiya niyang simula tuloy pasok sa loob ng bahay.

    “Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa yong tukmol ka,” litanya pa rin habang nagtitimpla ng kape, “Ano, ha? Pinalayas ka?”

    “Hindi a. Ako ang umalis dun, bahala siya sa buhay niya,” pagmamalaki niya kahit ang totoo, ibinabato sa kanya yung mga damit sa mukha niya kanina.

    “O, e ano ngang nangyari? Ayawan na?” tanong ulit ng Kuya niya at inilapag ang kape sa lamesa.

    Taragis, napaisip tuloy siya. Napabuntong-hininga.

    Ano nga bang nangyari sa kanila ni Lyn?

    Kababata niya si Lyn. Paboritong kalaro kahit wala naman talagang kakwenta-kwentang kalaro.
    Kung hindi pa siya magkukunyaring nadapa, hindi man lang mananalo sa karera sa takbuhan papunta sa tindahan ni Aling Simang. Parati ring talo sa teks at pogs. Kaya nga sa tumbang preso, pag talagang burot na si Lyn, nagpapataya na talaga siya. Yung tipong patatamaan lang ang lata pero hindi patutumbahin. Yun ang diskarte niya sabay kamot sa ulo.

    Gayundin sa mga koponang laro, gusto niya parating kasama ang kababata. Pakiramdam niya, may Muse sa grupo dahil talaga namang si Lyn ang pinakamagandang bata sa Manggahan. Halos lahat silang mga bata doon ay sunog ang balat sa araw samantalang si Lyn ay medyo mapusyaw ang kulay at may biloy sa magkabilang pisngi kapag ngumingiti. Pagka-ganoon, lalo siyang nagpapasikat kay Lyn para maipanalo ang laro, patintero man o beysbol (na binilog na medyas ang bola). At siyempre, mag-aakapan silang grupo kahit matalo at gusto-gusto niyang naaamoy ang amoy-araw na buhok ng kababata. Masaya siya noon kahit madalas silang tuksuhin na kape’t gatas kapag magkapartner sa piko. Minsan, nagbabahay-bahayan din sila, partner-partner tapos pagandahan ng itatayong bahay. Naalala niya, sa kanila ni Lyn ang pinakamaganda kasi yung bahay nila, sa sanga ng puno. At bahay-bahayan lang talaga ang pinanalunan nilang laro.

    Kahit parating sunog-bahay at kulelat, masaya naman dahil magkakampi sila.

    Si Lyn rin yung itinuring niyang pinakamatalik na kaibigan. Andoon ito nung manalo sa basketbol ang koponan nila sa liga ng baranggay. Andoon din ito noong maghiwalay yung nanay at tatay niya. Ang sama-sama ng pakiramdam niya noon. Paano ba niya tatanggapin ang mga tukso ng ibang bata na iniwan siya ng tatay niya. Si Lyn lang yung batang hindi nanukso sa kanya.

    Naghahanap siya ng dahilan kung bakit ba naghihiwalay ang mag-asawa. Sa murang isipan niya, nagtataka siya. Dumarating ba talaga sa punto na nagkakasawaan kahit mag-asawa na? Isang taon ang lumipas, yung nanay naman niya yung umalis. Inihabilin sila ng Kuya niya sa isang tiyahin.

    Iyun ang pinakamasakit na nangyari sa kanya. Naglalaro sila noon ng patintero nang sunduin siya ng Kuya niya. Aalis daw kasi yung nanay nila. Pupunta ng Iloilo dahil maysakit ang lolo nila. Iyak siya ng iyak noon, gusto nga niya sumama kaya lang madali lang naman daw dun ang nanay niya.

    Sampung taong gulang siya noon pero hindi siya nahiyang humabol sa traysikel na nagdala sa Nanay niya sa sakayan ng bus. Naiwan pa niya yung kaliwang tsinelas niya sa pagtakbo. Mahirap intindihin kung bakit sila iniiwan ng mga magulang. Kaya nangako siya noon, kung sakaling magkapamilya siya, hinding-hindi niya gagawin ang ganoon. Alam niya kasi kung gaano kasakit.

    Pagbalik niya sa bahay nila, hawak ni Lyn yung naiwan niyang kaliwang tsinelas.
    ******************************

    Kanina pa umiiyak si Lyn. Namumugto na nga ang mata niya at halos ayaw niyang lumabas ng kuwarto. Nahihiya kasi siya sa Nanay niya. Baka sabihin na namang kumuha lang siya ng batong ipupukpok sa ulo. Si Anton naman kasi, parang hindi pa rin makawala sa buhay-binata. Nakikitira na nga lang sila at dagdag palamunin sa bahay, nakukuha pang makipag-inuman sa barkada. At heto nga, nasagad na yung pisi niya. Pagod na pagod siya sa pag-aalaga ng bata. Parang siya lang kasi ang nagsasakripisyo sa kanilang dalawa. Hindi naman siguro masamang maglabas ng sama ng loob. Napuno na lang talaga siya. At sa may-kwenta-walang-kwentang tungayaw nila, umabot sa puntong pinalayas niya si Anton.

    Ano bang nangyari sa kanila? Napakalayo sa inaasam niyang buhay. Yung magkakampi sa lahat ng laro. Kahit talo, basta magkasama. Hindi pala simpleng buhay ang pinasok nila. Pinipilit niyang alalahanin. Asan na ang tag-team nilang dalawa?

    Tangi ang pagtingin niya kay Anton noong nag-aaral sila. Dangan kasi, si Anton ang tagapagtanggol niya kapag may umaaway sa kanya. Tagabuhat ng libro kapag pauwi at papasok sa eskwela. Noon pa man, humahanga na siya sa kakisigan nito lalo pag labas ang mapuputing ngipin. Mabait pa at maaasahan. Kinikilig-kilig pa siya nung minsang maglaro sila ng FLAMES ng mga kaklase niyang babae, Marriage yung lumabas sa pangalan nila ni Anton. Tinukso-tukso siya pero sabi niya, napakaimposible dahil wala pa sa isip niya ang mga ganun. Magiging titser pa siya gaya ng pangarap ng mga magulang. Magiging Ma’am Lyn siya sa iskul na pinapasukan nila.

    Isang beses, nakita niyang may nakaipit na sulat sa isang libro niya. Lalo siyang kinilig nang malamang kay Anton galing. Loveletter. Sa murang edad, kakaibang saya ang dulot nito. Simula noon, lalong naging magiliw si Anton sa kanya. Kapag umuulan, okay lang na mabasa sila parehas basta magkasukob sa isang payong. Madalas din siya nitong bigyan ng rosas na origami na parating iniipit sa mga gamit niya.

    Oo, Mahal na din kita, Anton. Iyun ang saktong linya kung paano niya sinagot si Anton. Talagang itinapat niya iyun sa JS Prom. Araw ng mga puso. Para mas espesyal. Mas makahulugan. Sa saliw ng kantang You Are My Song ni Martin Nievera, ipinagtapat nila sa isa’t isa na hindi na lang sila magkababata o magkaklase. Hindi lang sila magkaibigan. Magkasintahan na sila. Salitang nagdudulot sa kanya ng kakaibang kilig at pintig. Unang pag-ibig. Iyun siguro ang pinakamasayang karanasan ng buhay high school niya.

    Ganoon pa man, mas matindi pa rin ang dating ng salitang Ma’am kaysa Marriage. Takot niya lang sa Nanay niya. Baka mapatay siya kapag nalamang may kasintahan na siya. Kaya, nanatiling lihim sa kanyang mga magulang ang pakikipagkasundo niya sa binata. Malamang paglayuin sila ng mga ito. At ayaw niyang mangyari yun.

    Lihim na binaon nila hanggang sa kolehiyo. Masuwerte naman at isang kolehiyo lang ang pinasukan nila. Siya, kumuha ng kurso sa pagtuturo at si Anton, kumuha ng Management.
    Ayos na ayos. Sabay silang bumubuo ng pangarap. Magkakampi na naman sila.

    ***********************************

    “E, paano si Junior? Ano yun? Iiwanan mo na lang dun? Hindi yun aso, Anton. Mag-isip ka nga,” banat pa rin ng Kuya niya. “Alam mo naman siguro ang pakiramdam ng iniiwan. Ilang araw ka ba dito?”

    “Hindi ko pa alam. Magpapalamig lang siguro ako. Nasasakal ako kay Lyn pero hindi ko rin naman kayang tiisin si Junior.”

    Oo, si Junior. Bunga ng pagmamahalan nila ni Lyn. Bunga ng isang sandali ng kapusukan.
    Wala ang Kuya niya noon. Inaya niya si Lyn sa bahay tulad ng madalas nilang ginagawa kapag may mahirap na aralin. Dati na naman silang naiiwan doon pero iba ang sandaling iyun. Iba ang pakiramdam niya. Ano kaya kung subukan nilang gawin ang bagay na iyun? Subok lang naman. Agad niyang hinalikan si Lyn na tumatanggi noong una. Pagkatapos, naglakbay ang kanyang kamay sa mga lugar na si Lyn lang ang tanging nagsasabon. Umiiwas noong una ngunit nang maglaon, sumasabay na rin sa sayaw na likha. Ang halik ay naging mariin. Ang akap ay naging mahigpit. Unti-unti, nadarang sila sa init. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Kahit ang hiyawan ng mga bata sa labas ng bahay. Noong panahong iyun, nagkaroon ng linya sa kanilang buhay. Tumawid sila sa mga guhit na itinakda ng matatanda.

    Ganoon pala ang pakiramdam. Masarap pagsaluhan ang pagmamahal. Swabe ang bawat galaw. May sariling ritmo ang katawan. Umiindayog sa musikang hatid ng mga tibok ng puso.
    Parang basketbol. Paulit-ulit na pagbuslo. Parang holen sa butas. Saktong-sakto. Parang habulan. Pinagpapawisan hanggang sa makarating sa tindahan ni Aling Simang. Parang perpektong pares. Ang kanya ay para kay Lyn. Ang kay Lyn ay para sa kanya.
    Bakit kaya ipinagbawal yaon ng matatanda? Makasarili sila. Bakit kailangang sila lang ang maging maligaya at magsalo ng mga ganoong pagkakaton?

    Ang mga tanong na iyon ay sinagot ni Lyn pagkatapos ng ilang buwan.

    “Anton, kinakabahan ako. Dalawang buwan nang wala akong dalaw,” may pangamba sa mukha niya habang kumakain sila ng ice cream sa lagoon sa kolehiyo nila.
    “Anong dalaw?” nakakunot si Anton sabay kagat sa malamig na ice cream.
    “Anton, buntis yata ako. Natatakot ako,” nangingilid ang luha ni Lyn.
    “HA??? Taragis, sigurado ka?” Naluwa ni Anton ang kinakain. Bad trip, bakit biglang pumait ang kinakain nilang ice cream?

    **********************************

    Sabay silang pumasok sa simbahan ng Quiapo pagkatapos ng klase. Magkatabing lumuhod. Mataimtim na nanalangin kung anong sunod nilang hakbangin. Humingi ng tulong. Humingi ng kaliwanagan. Humingi ng tawad.

    Paglabas ng simbahan, ngayon lang nila napagtuunan ng pansin ang mga tao sa paligid. May mga babaeng nagtitinda ng kung anu-anong halaman. Pamparegla. Pampaputi. Pangontra sa ganito-ganyang sakit. Nakakatawang nasa labas lang ang mga ito ng simbahan. Hindi ba labag ito sa Kanyang kautusan?
    Lumapit si Anton sa isang tindera. Lalong kinabahan si Lyn. Maiintindihan ba sila ng Diyos na kinausap nila kanina?

    *************************************

    Nakatingin sa kisame si Lyn. Sumusunod ang diwa niya sa umiikot na electric fan. Hindi ba kasalanan ang gagawin nila? Buhay na yung nasa sinapupunan niya.

    Nakahiga siya sa isang manipis na kutson, may nakatakip na kumot sa ibabang bahagi ng katawan. Nakabukaka. Napalingon siya sa lamesa. May bulak. May alcohol. May mga stainless na instrumento. Bumilis ang tibok ng puso niya. Mabilis na mabilis. Parang nagkakarera. Pintig ng puso niya at ng batang nasa sinapupunan niya.

    Pumikit siya. Nabigla nang may dumamping kamay sa hita. Napaluha siya. Napailing. Nanginginig.

    “Sigurado ka na ba?” tanong ng may edad na babaeng kausap ni Anton kanina. Nakakatakot ang hitsura ng matandang walang ngipin at parang hindi nagsusuklay.

    “Siguradong-sigurado po.” At tuluyan na siyang humagulhol. Humagulhol nang humagulhol.

    ***********************************

    “Putsa naman, Anton. Hindi ka ba nag-iisip? Tarantado ka, disi-syete pa lang kayo, a.” Namumula sa galit ang Kuya niya. “Putsa, ka naman, nagpapagod akong mapag-aral ka tapos ganito lang ang isusukli mo. Ang kapal naman ng mukha mo.”

    Nanliit si Anton sa sarili niya. Kung nagiging suntok lang yung pagmumura, malamang bugbog-sarado na siya. Kunsabagay, ang kapal nga naman ng mukha niya. Sa ganitong paraan niya susuklian ang pagtayo bilang ama at ina ng Kuya niya.

    Hindi makapagsalita si Anton. Anong sasabihin niya? Na hindi nila ginusto ang nangyari? Na pasensya? Ano bang magandang paliwanag?

    “Sira-ulo ka, gago ka. Gago,” sabay sikmura sa kanya ng Kuya niya. Nagpaubaya na lang siya. Kung yun ang makakabayad sa sakit ng dinulot niya sa kapatid. Tatanggapin niya lahat.
    “O, anong plano mo?”

    ************************************

    Sari-saring emosyon ang naglalaro kay Lyn pagpasok sa bahay nila. Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ng magulang niya. Tiningnan niya ang nakasabit na litrato nilang mag-anak. Nag-iisang anak. Puno ng kasiyahan. Pangarap ng buong pamilya niya ang makatapos siya at makapagturo sa eskwelahan ng baranggay. Hindi niya alam ngayon kung mabibigyan pa iyun ng katuparan.

    Kinagabihan, habang nanonood ang kanyang ina at ama ng paboritong teleserye, umupo siya sa gitna nila.

    “Nay, Tay, may sasabihin po akong mahalaga,” simula niya na parang may nakabara sa lalamunan niya.

    Pinatay ng tatay niya ang tv. Naghihintay naman ang nanay niya.

    “Nay, huwag po kayong mabibigla a.”

    “Lyn, ayaw ko ng ganyan, mukhang ayoko ng sasabihin mo,” nagdilim na ang mukha ng nanay niya.

    “Bayaan mo siyang magsalita,” mahinahong wika ng tatay niya.

    “Nay, bu— buntis po ako,” sabay tutop ng mga palad sa mukha niya. Umiyak na siya. “Pasensya na po, tay. Huhuhu. Inay, sori po… Binigo ko kayo”

    Tumayo ang tatay niya. Galit na galit ang hitsura at pagkatapos ay sinuntok ang pinto nila. Nawasak ang pinto. Parang yung pangarap ng pamilya niya. Hindi ganitong bunga ang nais niya. Nagsugat ang kamay ng tatay niya. Pero, alam ni Lyn, mas nagdurugo ang puso nito. Noon lang niya narinig magmura ang tatay niya. Kung mura sa tadhana o mura para sa kanya, hindi niya alam.

    Hindi naman makapagsalita ang nanay niya. Pigil na pigil. Tumayo papunta sa kusina. Kumuha ng baso pero hindi pa nalalagyan ng tubig nang biglang bumagsak sa sahig. Nawalan ng malay.
    Ang nangyaring iyon ang pinakamalaking teleserye na pinag-usapan sa Manggahan kinabukasan. Naghalo na ang kape at gatas. Tatay na si Totoy. Nanay na si Nene.

    ****************************

    Minsan lang sila sumubok gawin ang bagay na iyun pero ang laki pala ng epekto.
    Nagkasundo ang dalawang partido na ayusin ang lahat. Ano pa nga bang magagawa? Hindi sila pwedeng ikasal dahil mga menor de edad pa. Tumigil sa pag-aaral si Lyn at si Anton naman ay kinailangan mag-working student para naman kahit paano, nag-aakyat rin siya ng pera para sa kanila ni Lyn. Tumira naman muna si Anton sa bahay nina Lyn.

    Nahinto ang pagbuo nila ng pangarap para harapin ang katotohanan. Ang humarap sa sitwasyong huhusga sa pagiging tao nila. Mabuti na yung gayon kaysa sa ipalaglag nila. Kung may dapat silang ipagmalaki, marahil, iyun ay ang pagiging matapang nila. Ang isang pagkakamali ay hindi pwedeng takpan ng isa pang pagkakamali.

    Sa kama ni Lyn, nakahiga silang dalawa.

    “Mahal, natatandaan mo pa ba noong mga bata pa tayo?” si Lyn. “Noong naglalaro tayo ng bahay-bahayan?”

    “Oo nga, no. Para lang ulit tayong mga bata. Yung nga lang, totoong bata na ang magiging beybi mo. Kaya mo kayang maging mabait na ina?”
    “Ikaw? Kaya mo na kaming buhaying mag-ina? Hindi na pwedeng ilagay sa mesa yung dahon ng mga halaman,” nakangiting sagot ng kausap. “Alam mo ba, naglalaro kami dati ng FLAMES, Marriage yung lumabas sa pangalan nating dalawa. Parang ang bilis namang nangyari.”

    “Hehehe. Nagsisisi ka ba?”

    “Ginusto naman natin ‘to, e. Pero sana pala, naghintay tayo. Mas mauuna pa kong tawaging Mommy kesa sa Ma’am.”

    “Oo nga, Sana naghintay tayo. Mahirap din pala yung ganitong sitwasyon.”
    Dumaan ang mga buwan. Lumipas ang mga araw. Lumaki na ang tiyan ni Lyn at nakaw-tingin silang dalawa tuwing magpapatingin sa health center. Pinakabatang nakapila sa mga buntis na nagpapakonsulta. Mga menor de edad na hindi nag-isip para sa kanilang kinabukasan.

    ***************************

    Palakad-lakad si Anton habang nagdarasal sa labas ng delivery room “Lord, Ikaw na bahala sa mag-ina ko.”

    Dalawang oras bago sila sumugod sa hospital, sumakit ang tiyan ni Lyn. Sinundo kaagad niya si Aling Simang na isang hilot. Kaya lang, dahil sa sobrang hirap, hindi yata makayanan ni Lyn. Sabi ni Aling Simang, bata pa raw kasi. Malaki ang takot sa dibdib.

    Takot. Iyun din ang nararamdaman niya nang panahong iyun. Kasi nga bata pa si Lyn, paano kung hindi niya makayanan? Paano kung papiliin sila ng doktor tulad ng napapanood niya sa mga pelikula. Si Lyn o ang magiging anak niya? Napapikit uli siya,” Lord, ikaw na ang bahala sa mag-ina ko.”

    Naging ligtas ang panganganak ni Lyn sa Junior nila. Hindi niya maipaliwanag na may anak na siya. Nakabuo sila ng tao. Galing sa laman niya at ni Lyn.
    Masaya na may halong takot. Lalo na nang unang beses niyang kargahin ang sanggol. Napaluha siya. Nangako na bibigyan ng magandang bukas ang kargang bata. Kung paano. Hindi niya alam.

    *****************************

    Mahirap palang mag-alaga ng bata. Iyan ang nasa isip ni Lyn. Halos isang oras na lang yata siyang natutulog sa gabi dahil sa pag-iyak ng baby niya. Tapos, sa umaga, maglalaba pa siya ng mga damit nito, maglilinis ng tsupon, magtitimpla na ulit ng gatas, tapos mamayang konti gabi na naman. Nahihiya naman siyang magreklamo sa Nanay niya.

    Kung tutuusin, pinagpala pa rin sila ng Diyos dahil may mga magulang silang hindi sila itinakwil noong madapa sila. Ganoon naman yata pag naging magulang. Parating nakasalalay sa mga anak. Tagabangon kapag nadadapa. Tagabigay ng lakas kapag nanghihina.
    Hindi na niya maasikaso si Anton. Kulang na nga siya ng panahon sa sarili, pati ba naman ito aalagaan pa niya? Pero napansin niya medyo nangayayat. Nahihirapan din sigurong balansehin ang pag-aaral, pagtatrabaho at pagiging ama.

    Buti nga si Anton, nag-aaral. Nakakalabas ng bahay. E siya, nakulong na sa pag-aalaga ng bata.

    Iyun ang pinag-awayan nila kagabi. Hindi pa nga siya nakakabawi ng tulog mula sa puyat noong isang gabi tapos malaman niya, hindi pala ito sa trabaho galing kundi sa inuman ng kaklase. Debut yata. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo?
    Pero aminado siya, napasobra nga yata ang pagmumura niya. Ibinato pa niya sa mukha nito ang mga damit at pinalayas.

    Nagpapakulo siya ng tubig para sa gatas ni Junior nang may biglang kumatok sa pintuan nila. Pagbukas niya ng pinto, andun si Anton. Nakatayo. May dalang bulaklak.

    “Mahal, pasensya na, a. Di bale, mas magiging responsable na ako sa inyong dalawa ni Junior,” sabay yakap sa kanya.

    “Hmmp, pangako?”

    “Oo, pangako.”

    “O sige, sori na din. Medyo masungit ako nitong mga nakaraang araw. Sige na, bati na tayo.” At hinalikan niya sa pisngi si Anton.

    Mahirap pumasok sa isang sitwasyong kagaya ng sa kanila ni Anton. Pero, gaya ng pagtatayo nila ng bahay-bahayan sa sanga ng puno, kakayanin nila para lang maging maganda ang kalabasan. Marami pa silang haharapin at pagdaraan pero batid niya, makakaya nila. Dahil kahit parati silang kulelat at sunog-bahay sa mga laro, masaya pa rin dahil silang dalawa ang magkakampi. Kahit paano, naniniwala pa rin siyang sa suporta ng mga taong nasa paligid nila, kayang-kaya nilang bumuo ng mas maaliwalas na bukas.

  • Bunso Pahiram ng Laruan

    Bunso Pahiram ng Laruan

    Isang garapong holen na may ibat ibang disenyo at kulay ang nakita ni Ariel na nakatago sa sulok ng tokador.
    Nahumaling ito sa masasaya at kaakit-akit na kulay kaya’t kinuha niya ito at pinaglaruan. Masayang pinaglalaruan ni Ariel ang mga holen na tila ba ay wala nang bukas. Alam niya na ang garapon ng holen ay pagmamay-ari ng kanyang kuya na si Rhuel. Mahilig mangolekta ng holen na may ibat-ibang disenyo, kulay at laki si Rhuel. Isang garapon na ang koleksyon niya kaya hindi niya ito basta basta nilalabas sapagkat mahalaga sa kanya ang mga ito.

    “Nay, nakita mo po ba ang mga holen ko sa tokador?” Ang pagalit na tanong ni Rhuel sa kanyang Ina na nagluluto sa kusina.

    “Abay, hindi anak. Baka yung kapatid mo may alam”. Ang sagot ng kanyang Ina.

    “Ariel! Ariel! Nasaan ka? Ariel!” Galit na tawag niya sa bunsong kapatid.

    Dali-daling binalik ni Ariel ang mga holen sa garapon ngunit huli na ito nang makita siya ng kuya niya na puro putik ang mga malilinis na holen nito.

    “Ikaw talaga, pakialamiro ka sa gamit ng may gamit. Bakit mo pinakialaman ang holen ko. Diba sabi ko sayo na wag mong galawin ang mga laruan ko.” Galit sabay palo sa bunsong kapatid.

    “Kuya, sorry na hiniram ko lang naman saglit eh at ibabalik ko naman agad.” Paliwanag ng kapatid.

    “Hiniram? Nagpaalam ka ba sa akin?” Galit na may kasamang suntok sa sobrang galit nito.

    Duguan ang nguso ni Ariel ng maabutan ng Inang pinagsusuntok ni Rhuel. Inawat ng Ina ang dalawa at pinagalitan si Rhuel sa masamang pagtrato sa kapatid.

    “Rhuel, laruan lang yan. Bakit ganyan ka sa kapatid mo. Mas mahalaga pa ba ang mga laruan mo kesa sa kapatid mo? Hindi tama ang ginawa mo. At ikaw naman Ariel, sa susunod magpaalam ka kung may gusto kang hiramin sa kapatid mo. Mali ang ginawa mo.” Pangaral ng Ina sa dalawa.

    Dahil sa insidenteng iyon, naging mainitin na ang ulo ni Rhuel sa kapatid. Halos hindi na niya ito kinikibo at sinasama sa mga laro at pilit na iniiwasan maging sa pakikipaglaro kasama ang ibang bata sa kanilang lugar.

    Ilang taon na din ang lumipas at tila nabaon na sa limot ang alitan ng magkakapatid. Ang dating sigalot ay napalitan ng pagmamahalan at paguunawaan. Naging tagapagtanggol si Rhuel sa kapatid tuwing may nangaapi nito sa eskwelahan. Natuwa ng lubos ang kanilang mga magulang sa ipinakitang pagmamahalan ng dalawa. Si Ariel naman ay nakabuo ng kompiyansa sa sarili dahil na rin sa tulong ng kapatid. Naging malapit sila sa isat-isa at kahit na anong bagay ay pwede nilang pag usapang dalawa. Kahit na ito man ay kakulitan o kalokohan. Tumatak sa utak ni Ariel na wala siyang ibang hiling kunti manatili ang matibay na samahan nila ng kuya niya. Gagawin niya ang kahit na ano wag lang mawala ang nakatatandang kapatid.

    Sa sobrang lapit ng dalawa ay minsan naikwento ni Ariel sa kapatid na may nagustuhan siyang babae. Natuwa naman si Rhuel sa ibinalita ng kapatid. Wala nang mas hihigit pa sa kaligayahang naramdaman nito.

    “Kuya, tulungan mo naman ako oh. Kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May gusto kasi akong babae pero natatakot ako sabihin sa kanya kasi baka masira pagkakaibigan namin.” Ang pagtatapat ni Ariel sa Kapatid.

    “Huh!? Bakit naman? Anong kinakatakot mo? Teka, si Jane ba ang tinutukoy mo? Yung best friend mo?” Ang tanong ni Rhuel.

    “Oo, Kaso natatakot ako baka di niya ako gusto eh. Masakit ba ma basted?” Ang tanong nito sa kapatid.

    “Alam mo normal lang masaktan ang importante eh nasabi mo sa kanya na mahal mo siya. Gusto mo tulungan kita. Ako magiging tuloy nyo?”. Saad ni Rhuel.

    “Talaga kuya tutulungan mo ako?” Masayang tanong ni Ariel.

    “Oo naman syempre kapatid kita at gusto ko na magiging masaya ka.”

    “Salamat kuya.” Sabay akbay sa kapatid.

    Makalipas ang ilang buwang pagsasama at paglabas-labas ni Ariel at ni Jane ay andun pa rin yung takot sa loob niya. Hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman sa magandang dilag. Dito na umeksena ang kanyang kuya Rhuel na tumulong sa kanya sa panliligaw.
    Isang araw..

    “Jane, may pinapabigay pala ng kapatid ko sayo.” Sabay abot ang isang dosena na mapupulang rosas.

    “Huh!? Bakit daw? hindi ko naman birthday at wala namang mahalagang okasyon.”

    “Hmmm. ewan ko, gusto ka ata ng kapatid ko.” Pagtatapat ni Rhuel.

    “Eh bakit di siya ang magsabi? Bakit ikaw ang nagsabi?” Tanong ni Jane

    “Baka nahihiya lang siya.” Ang mabilis na sagot ni Rhuel sabay titig sa mga mata ni Jane.

    “Alam mo Rhuel, pakisabi kay Ariel na kung mahal niya ako sabihin niya yung totoo kasi matagal ko
    na hinihintay marinig sa kanya yun.” Ang pagtatapat ni Jane.

    Mabilis na iniwas ni Rhuel ang pagkakatitig kay Jane ng marinig ang mga katagang iyon.

    “Ah ok. Sige sasabihin ko sa kanya.”

    Nababagabag si Rhuel sa tuwing nakikita niya si Jane. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Natatakot siya sa posibleng mangyayari kapag ipinagpatuloy niya ito. Alam niya na masasaktan niya ang kapatid ngunit sadyang malakas ang kapit ng kanyang nararamdaman na tila ba wala siyang pakialam sa kung
    sino man ang masaktan makuha lang ang gusto nito.

    “Kuya, ano daw sabi ni Jane?” Masiglang tanong ni Ariel sa kapatid.

    “Huh!? Ah eh… Sabi niya may gusto na daw siyang iba eh. Ang tagal mo daw kasi. Ang bagal mo daw kaya ayun sinagot na niya yung ibang nanliligaw sa kanya.” Ang pagsisinungaling ni Rhuel.

    “Ah ganun bah? Nakakalungkot naman. Nahihiya ako makipagkita sa kanya. Ang sakit pala ma basted kuya.” Ang malungkot na sabi nito.

    “Ok lang yan. Ganun talaga pero wag ka mawalan ng pag-asa marami pa diyan.”

    “Buti na lang andito ka kuya, salamat ha.”

    Ipinagpatuloy ni Rhuel ang kanyang nararamdaman kay Jane at ginawa ang lahat para lang mapasagot ang dalaga.

    “Oh Rhuel, ano na sabi ng kapatid mo? Hindi ba niya ipagtapat ang nararamdaman niya? Bat ayaw niya magpakita? Ang bagal niya.” Ang pangungulit ni Jane kay Rhuel.

    “Jane, may aaminin ako sayo. Ang sabi kasi ni Ariel eh hanggang kaibigan lang daw ang turing niya sayo. yung mga bulaklak ay pasasalamat lang daw bilang isang tunay na kaibigan. Yun lang daw yun at wala nang iba.” Pagsisinungaling ni Rhuel kay Jane.

    “Hindi ako naniniwala. Ramdam ko na mahal ako ni Ariel. Natatakot lang siya na sabihin sa akin ang totoo.” Naiiyak na sagot ni Jane.

    “Oo Jane, yun ang totoo. Maniwala ka sa akin. Mas makakabuti kung kalimutan mo na si Ariel. Mas makakabuti kung ibaling mo na lang ang pag-ibig mo sa iba.” Sabay yakap kay Jane.

    Naisip ni Jane na mas makakabuti nga na kalimutan at ibaling ang pagtingin sa iba. At dun niya nabigyang pansin ang importansyang binibigay ni Rhuel sa kanya. Nabaliwala at nakalimutan ni Rhuel ang kapatid. Hindi na sila nagkaroon ng gaanong panahon para makapag-bonding. Sa lahat nang bagay ay si Jane na ang inuuna nito.

    Lingid sa kaalaman ni Ariel, si Jane at si Rhuel ay may ugnayan na. Hanggang isang araw ng maabutan ni Ariel si Jane sa bahay nila.

    “Jane? Anong ginagawa mo dito?” Masayang tanong nito sa babae.

    “Huh!? Ah eh dinalaw ko lang yung kapatid mo. Kamusta ka na?” Ang sagot nito kay Ariel.

    “Dinalaw mo kapatid ko? Panong dinalaw? Hindi ko maintindihan.” Ang naguguluhang sagot ni Ariel.

    “Ahh so di mo pa pala alam. Ito talagang kuya mo masyadong masikreto. Kasi kami na ng kuya mo. Hindi ba niya sinabi sayo?” Ang sagot ni Jane.

    “Kayo na ni Kuya? Pano naging kayo? Wala siyang sinabi sa akin?” Ang malungkot sa sambit ni Ariel habang papalabas ang kanyang kapatid galing kusina.

    “Ariel?” Ang kinakabahang tanong ni Rhuel.

    Nakatitig lamang si Ariel sa kapatid habang lumuluha ang mga mata. Walang kibo at di maipaliwanag ang dahilan kung magagalit ba siya sa panloloko ng kapatid o matutuwa para sa kanilang dalawa. Agad na pumasok si Ariel sa kanyang silid at isinara ang pinto.

    “Ariel, kausapin mo naman ako. Gusto ko magpaliwanag sayo. Gusto ko sabihin sayo ang totoo pero ayaw kitang biglain at masaktan.” Ang paliwanag ni Rhuel habang kumakatok sa likod ng pintuan.

    “Rhuel, anong nangyayari? Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang reaksyon ni Ariel. May hindi ba ako alam dito?” Ang tanong ni Jane.

    “Wala naman, ipapaliwanag ko sayo ang lahat mamaya. Kakausapin ko lang yung kapatid ko.” Ang sagot ni Rhuel.

    Hindi malaman ni Rhuel ang nararamdaman. Alam niyang mali ngunit masaya siya sa ginawa niya. Nasa sa kanya na ang babaeng pinakamamahal niya ngunit kapalit nito ay ang masaktan ang kaisa isang taong mahalaga sa kanya. Pumasok si Rhuel sa silid upang kausapin si Ariel.

    “Ariel, pwede ba tayong mag-usap?” Ang pagmamakaawa ni Rhuel.

    “Ano pa ang pag usapan natin? Niloko mo ako. Nagsinungaling ka sa akin. Akala ko kapatid kita.
    Akala ko mapagkakatiwalaan kita. Pero hindi pala. Nagkamali ako.” Ang umiiyak na sagot sa kapatid.

    “Alam ko mali ako. At nagsinungaling ako at hindi sinabi ang totoo. Patawad. Nagmahal lang ako.
    At hindi ko kaya na mawala si Jane sa akin. Ramdam ko na siya na ang babae para sa akin. Kaya sana maintindihan mo ako. Alam ko na nasaktan kita at mahal mo si Jane, hindi ko sinasadyang mahalin siya. Nahulog ang loob ko sa kanya at alam ko din na mahal niya ako. Aaminin ko mahal ka ni Jane ngunit ang tagal niyang naghintay para ipagtapat mo sa kanya yun.” Paliwanag ni Rhuel.

    “So kaya mo siya sinulot sa akin dahil sa ang bagal mo? Dahil sa torpe ako? Dahil ba sa wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo? Ginamit mo ang kahinaan ko para sa kaligayahan mo.” Sambit ni Ariel.

    “Bakit mo nagawa sa akin to kuya? Sa lahat ng tao sa mundo, ikaw pa!? Bakit? Ano ba ang kasalanan ko sayo para gawin mo sa akin to? Dahil ba sa kasalanan ko noon na ginalaw ko yung holen mo kaya ngayon ka gumaganti sa akin? Dahil ba dun kuya? Hanggang kailan mo ako patatawarin sa kasalanang matagal ko nang ginawa. Hanggang sa kaisa-isang babaeng mahal ko aagawin mo sa akin parang lang makaganti ka?” Ang pagpapatuloy ni Ariel.

    “Kuya, alam mo na mahal na mahal ko si Jane. Alam mo na siya lang ang gusto ko sa tanang buhay ko. Pero wala na. Inagaw mo na. Oo may kasalanan ako sayo noon. Kinuha ko ang laruan mong holen pero wag naman sana pagbayarin ako sa pagkuha sa babaeng pinakamamahal ko. Kunin mo na ang lahat sa akin kuya wag lang si Jane. Ibibigay ko sayo lahat ng laruan na gusto mo, wag lang siya.” Pagmamakaawa nito sa kapatid.

    “Ariel, hindi ganun kadali yun. Hindi ganun kadali ang gusto mo. Nagmamahalan kami ni Jane. Gusto ko maintindihan mo ang lahat. Hindi ko ito ginawa para saktan ka at gantihan ka sa kasalanan mo noon. Hindi ko gustong gawin ito pero mahal ko siya. Ariel, sayo na lahat ng laruan ko wag lang si Jane. Hindi ko siya kayang ibigay sayo. May dahilan kung bakit kami andito ngayon. Hindi ko siya pwedeng ibigay sayo.” Paliwanag ni Rhuel.

    “Bakit kuya? Bakit hindi? Una siyang naging akin.” Galit na sagot ni Ariel.

    “Dahil… dahil.. buntis si Jane. Magkakaroon na kami ng anak.” Pagtatapat nito sa kapatid.

    Doon gumuho ang mundo ni Ariel nang marinig ang mga salitang iyon. Alam niya na sa pagkakataong iyon ay wala na siyang laban sa isang sanggol na nasa sinapupunan. Alam niya na kahit ano pa man ang gawin niya ay hindi na niya mababago ang lahat. Alam niya na may dahilan ang lahat kung bakit ganun ang nangyari. Alam niya na sa puntong iyon ay kailangan na niyang tumigil sa kahibangan niya.

    “Ariel, gusto kong ipagtapat sayo ang mga ito ngunit naunahan ako ng takot. Mahal kita bilang kapatid ko at walang makakapagpabago dun. Ikaw lang ang nagiisang kapatid ko. At sa darating mong pamangkin gusto ko na may tito siya na katulad mo. Gusto ko ikaw ang magiging pangalawang ama niya. Yun ang hinihiling ko sayo. Sana patawarin mo na ako.” Pagmamakaawa ni Rhuel.

    Walang tigil sa pag-iyak si Ariel sa mga katagang narinig sa kapatid. Tila ba nawala ang galit nito sa loob at napalitan ng pagmamahal sa kapatid at sa darating na pamangkin. Naisip niya na mas masaya kung may isang sanggol sa bahay nila. Mas masaya at may bagong siyang lalaruin at aalagaan.

    “Kuya, pinapatawad na kita. Patawarin mo rin ako sa kasalanang nagawa ko noon at pati na rin ngayon. Ipinapangako ko na mamahalin ko ang anak mo at aalagaan siya. Magiging mabuting tito ako para sa kanya.” Naiiyak na sambit ni Ariel sabay yakap ng mahigpit sa kapatid.

    “Maraming salamat Ariel. Masayang masaya ako ngayon.” Natutuwa at naiiyak na saad nito

    “Tama na nga to, halika na at ipakilala mo ako ng mabuti sa magiging asawa mo.” Nakangiting saad ni Ariel.

    Lumabas ang dalawa sa silid na may ngiti sa kanilang mga labi. Doon napatunayan ng magkakapatid na kahit anong bagay pala sa mundo ay walang makakapaghiwalay sa kanila kahit laruan man o ibang tao na pilit silang paghiwalayin. Sadyang matimbang ang dugo kesa tubig o kahit ano mang bagay sa mundo. Kahit na nagsimula sa di maganda ang relasyon nilang magkakapatid, kahit nagsimula ang hidwaan dahil sa isang laruan ngunit hindi pa rin ito naging dahilan para hindi magkaayos ang dalawa. Mas lalong tumibay ang relasyon nila at dahil na rin sa bagong supling na dumagdag sa pamilya nila.
    Makalipas ang ilang taon….

    “Tito Ariel, gising ka na. Mamamasyal tayo ngayon diba?” Ang pangungulit ng anim na taong gulang na
    bata habang natutulog si Ariel.

    “Huh!? Ngayon ba yun!? Naku late na ako nagising. Sorry na mahal kong pamangkin. O siya sige san mo gusto mamasyal?” Tanong nito kay Nathan habang yakap yakap niya ito.

    “Ahh.. sa park po tapos punta tayo ng mall, tapos promise mo sasakay tayo ng tiyubibo, tapos kakain tayo, tapos bibili tayo ng madaming madaming laruan.” Ang makulit na sagot ni Nathan sa kanya.

    “Ahh ang dami mong gustong gawin ha. Sige gagawin natin yan lahat. Pero maliligo muna si Tito Ariel kasi mabaho pa ito.”

    “Yehey! Sige Tito bilisan mo ha. I love you.” Sagot ni Nathan sa kanya.

    Masayang niyakap ang pamangkin na nagpupumiglas sa kanyang mahigpit na yakap dahil na rin sa mabahong hininga nito. Sadyang ganun lang magkulitan ang mag-tito. Mula noon ay walang oras o araw na hinahayan si Ariel na di makita ang pamangkin. Nagpapasalamat si Rhuelsa kapatid dahil na rin sa pagmamahal nito sa kanyang anak na si Nathan at pati na rin sa kanyang sariling pamilya.

    Wakas.

  • Bangketa

    Bangketa

    Bumangon ako sa pagkakalugmok. Sa isang sulok ng bangketa sumuko na ang aking nanginginig na mga tuhod.

    Hilong-hilo. Sukang-suka. Malamig ang mga palad. Malamig ang pawis sa noong malagkit.

    Tumingin ako sa paligid kong tila umiikot. Nabibingi sa ingay ng mga tao at sasakyan. Nilalamig kahit pa maalinsangan.

    Pinilit kong tumayo. Nakasakbit pa din ang aking bag sa likod na may iilang nahiram na libro at kwaderno. Hawak sa kanang kamay ang panyong magkahalong pawis at usok ang amoy. Nakasabit pa din sa kaliwang kamay ang mga sampagitang hindi nabenta.

    Kailangan ko na umuwi. Kailangang makarating sa bahay bago pa magdilim.

    Araw-araw akong umuuwi kasabay ng paglisan ng araw. Araw-araw ko itong hinahabol kahit araw-araw niya din akong nililisan. Napapanatag ang loob ko pag nakikita ko ang ganda ng pagpapalit ng kulay ng ulap. Mula sa asul ay nagiging kahel.

    Pero sa ngayon, hindi ko muna pinansin ang kagandahan ng nagbabadyang takipsilim.

    Halos igapang ko na ang aking sarili pauwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad sa banyo para iluwa ang kung ano mang nagkukumawala sa aking sikmura.

    Tubig. Tubig at tubig. Iyon lang ang nailabas dahil iyon lang ang laman.

    Nagmumog ako para mawala ang kung ano mang nangangasim sa aking panlasa.

    Lumabas ako ng banyo. Nasa bulsa ko ang treinta pesos na kinita ko sa pagtitinda ng sampaguita. Pambili ng bigas at noodles.

    Dumilim. Unti-unting dumilim.

    Muling nagliwanag. May malamig na dumadampi sa aking pisngi. Bimpong may yelo.

    Kain na nang makainom ng gamot. Taas ng lagnat mo, sabi ni nanay. Dahan-dahan niya akong inalalayang bumangon.

    Nakahain na sa hapag ang kanin at noodles. Humigop ako ng mainit na sabaw. Ang ginhawa sa sikmura.

    Nilagyan ni nanay ng kanin ang mangkok na may sabaw at noodles. Sumandok at hinipan bago isinubo ang kutsara kay Julius.

    Ludels. Ludels. Ludels. Ludels.

    Bukod sa nanay at ate, isa ang ludels (noodles) sa mga agad niyang natutunan na salita.

    Paulit ulit niyang binabanggit ang salitang iyon habang nginunguya ang kanin at noodles at pabalik balik na pinauusad ang laruang kotse sa lamesa.

    Palagi niya itong ginagawa. Ang pagbanggit sa salitang ludels nang paulit-ulit kapag iyon ang ulam. Di ko alam kung paborito niya ito o sawa na siya rito o ito lang ang alam niyang pagkain.

    Ninamnam ko ang mainit na sabaw at kaunting kanin na para bang ito ang pinakamasarap na pagkain kong natikman. Aalalahanin ko ang pakiramdam na ito sa sa tuwing kumakalam ang aking tiyan para makalimutan ko ang pakiramdam na dulot ng gutom.

    Matapos kumain at magligpit, ay humilata na si nanay at si Julius. Gising pa at dumedede si Julius ay tulog na si nanay. Ako naman ay magbubuklat pa ng mga librong nahiram.

    Pangarap kong maging guro balang araw. Gurong magtuturo sa mga batang tulad ko na walang pambayad ng matrikula, walang pambili ng libro, walang pambaon, walang makain.

    Simple lang naman ang pangarap ko pero parang malabo pang maisakatuparan ko ito.

    Hindi ko alam kung makakatapos pa ako ng hayskul sa ganitong kalagayan. Hindi nga sapat na pambili ng ulam yung kinikita ko sa pagtitinda ng sampagita. Hindi rin sapat ang kinikita ni nanay sa pa-ekstra-ekstra sa paglalabada para sa pangangailangan naming tatlo kahit magkandakuba pa siya.

    Madalas nakatayo ako sa may bangketa pagtapos ng klase. Hawak ang sampaguita. Sakbit ang bag sa likod at naka uniporme pa. Katabi ko ang mga lalakeng nagtitinda ng basahan, balut at kendi.

    Maraming dumadaan pero walang bumibili. Maraming dumadaan pero wala man lang tumitingin. Malayo pa sila ay umiiwas na, na parang ang paglapit ko para mag-alok ng sampagita ay paglapit ng isang taong may nakakahawang sakit.

    Minsan iniisip ko, ano kaya kung isa ako sa mga taong dumaraan dito. Papansinin ko din kaya kapag may nag-alok ng sampagita? O iiwas din akong tulad ng ginagawa ng karamihan?

    Sa bangketang ito nauubos ang mga hapon. Imbes na umuwi agad matapos ang klase, kailangan ko pang kumayod.

    Marami ring estudyanteng tulad ko ang nag-uubos ng oras sa labas ng bahay nila pagtapos ng klase. Pero hindi para kumayod.

    Marami naglalakad dito na mga kasing edad ko din. Madalas dumidiretso diyan sa may fastfood diyan sa kabilang kalsada. Umiinom ng softdrinks, kumakain ng ice cream. Nagkukuwentuhan. Nagtatawanan.

    May iba namang naawa sa akin. Minsan may isang grupo ng kolehiyalang pa Ingles-Ingles pa habang nagtatawanan ang tumigil at nag-abot ng kahon ng donut. May isang piraso pa sa loob. Baka ayaw na nilang kainin o kaya ayaw na nailing bitbitin pa.

    Tinanong ako minsan ni Mang Gimo, yung tindero ng basahan na madalas kong kasamang tumambay sa tabing kalsada. Payat at humpak ang mga pisngi nito at kaunti na lang ata ang ngipin. Laging nakasumbrerong kulay itim at may puting bimpo sa balikat.

    Bakit ka pa nag-aaral? Mag-aasawa ka rin lang naman.

    May dalawang anak si Mang Gimo ayon sa kwento niya. Nakatapos na nang hayskul ang panganay niyang babae kaya’t pinapasok niya sa tindahan ng isda sa palengke. Tindera na ito ng isda.

    Ang bunsong anak niyang lalake naman ay matatapos na nang hayskul. Pag natapos na daw ito ay pagtitindahin niya na rin ng basahan. Dun niya papupwestuhin sa kabilang kalsada para daw lumaki ang teritoryo nila. Marangal naman daw ang trabaho nila at hindi sila nagnanakaw.

    Ayus na daw ang makapag-aral ng kaunti. Basta marunong magbasa at magkwenta ng pera ay pwede na. Hindi ka na kayang lokohin ng mga edukadong mayayaman kapag nakakapagbasa ka. Iyon lang naman daw ang dahilan kung bakit niya pinag-aral at pinilit makatungtong ng hayskul ang kaniyang mga anak.

    Isa pa, madami naman daw nakatapos ng kolehiyo na tambay. Bakit pa siya gagastos sa pag-papaaral kung ganun din lang? Mabuti pang habang maaga ay kumikita na sila.

    Tingnan mo iyang mga estudyanteng iyan, sabay nguso niya sa mga paparating na grupo ng mga estudyanteng babae at lalake. Laging dumadaan ‘yang grupong iyan dito. Kay babata pa pasyota-syota na. Ilang buwan pa at may mabubuntis na diyan. Sayang lang pinapampaaral ng magulang.

    Tumigil sa pagkukwento si Mang Gimo nung naging pula na ang ilaw ng stop light. Lumakad papunta sa mga sasakyan. Nag-aalok ng basahan.

    May itim na kotseng nakatigil sa harap ko. Nag-aantay ng pagpapalit ng ilaw ng stop light. Bahagyang binuksan ang tinted na bintana. Dumungaw ang isang babaeng nakaantiparas.

    Magkano lahat yan? Tanong ng babaeng napakaseryoso ng mukha. Di pa siya matanda pero di na rin siya bata. Makapal ang pink na lipstick.

    Dali-dali kong binilang lahat ng hawak ko at madaliang kinwenta.

    120 po.

    Inabot niya ang malutong na isang daan at beinte. Kinuha lahat ng sampagita, sinara ang bintana at saka umarangkada ang sasakyan nung naging berde na ang ilaw sa stop light.

    Ilang magkakasunod na araw pang dumaan ang itim na sasakyan at ang babaeng nakaantiparas. Ilang araw na napapakyaw ang tinda ko. Ilang araw kaming nakatikim ng isda at karne. Ilang araw ding hindi nabanggit ni Julius ang salitang ludels.

    Ilang araw ding hindi ako nakipaghabulan sa nagtatagong araw sa kadapit-hapunan dahil maaga akong nakakauwi.

    Nabuhay sa akin ang pag asa.

    Nabuhay sa aking isip ang imahe ng kasaganaan, ng patuloy na pagkain ng maayos, ng patuloy na pag-aaral.

    Dahil nakakauwi ako ng maaga, nagkaroon ako ng oras na mangarap. Ganadong-ganado akong basahin ang aking mga libro at gawin ang aking mga takda.

    Nangangarap ako habang nakahilata sa gabi hanggang sa makatulog. Mga imahe nang pagtatapos. Imahe ng sarili kong nagtuturo sa mga batang katulad ko. Imahe ng sarili ko at ng mga pangarap na natupad.

    Pero ang buhay ay sadyang mapaglaro. Pinatikim lang pala ako ng kaunting sarap, ng kaunting tamis ng pag-asa at pangarap.

    Dumating ang araw na hindi na dumaan ang itim na kotse. Hindi na dumating ang aking pag-asa.

    Nag-antay ako. Araw-araw. Hanggang sa lumubog ang araw. Hindi pa rin ito dumaan. Hindi na ito dumaan.

    Bumalik kami sa dati.

    Ludels. Ludels. Ludels. Ludels. Sabi ni Julius. Basag na ang bubong ng laruan niyang kotse pero patuloy niya pa rin itong pinapausad sa lamesa.

    Isang mainit na hapon. Hilong-hilo ako. Nanginginig ang aking mga tuhod.

    Kailangan ko lang kumita ng kaunti. Kahit kaunti lang. Sana dumaan siya. Kahit ngayon lang. Umaasa pa rin ako kahit alam kong hindi siya dadaan. Umaasa ako. Pinagdarasal ko.

    Sumandal ako sa posteng sinasandalan din ni Mang Gimo habang nag-aantay sa pagpula ng ilaw ng stoplight.

    Ok ka lang ba Ineng? Tanong ni Mang Gimo.

    Nakita kong dumaan yung itim na sasakyan. Pinara ko. Hindi ito huminto. Hinabol ko. Bumagal ang takbo nito nung malapit na sa stoplight.

    Pula na ang ilaw ng stoplight. Sabay kaming nanakbo ni Mang Gimo. Siya, para maglako ng basahan. Ako para magmakaawa. Kakatukin ko ang bintana ng kotseng iyon. Kahit na magmukha akong pulubi. Kailangan ko lang. May awa ang babaing nakaantiparas. Alam ko. Tutulungan niya ako.

    Tumakbo ako. Malapit nang magberde ang ilaw. Pinilit kong habulin. Kailangan ko lang talaga.

    Berde na ang ilaw. Umarangkada na ang mga sasakyan.

    May bumusina. May pumreno. Dumilim.

    Namulat ako sa mga ilaw na nakakasilaw. Puti ang mga pader. Walang tao. Nakaramdam ako ng uhaw. May nakita akong isang basong may tubig sa lamesa sa tabi ng kama. Sinubukan kong gumalaw. Hindi ako nakabangon. Bigla akong nakaramdam ng sakit ng katawan. Nakita ko ang mga benda sa braso ko.

    Pumasok si nanay. Karga si Julius na nananamlay. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ni nanay, hawak ang kotseng basag ang bubong.

    Para kong biglang nagising at natauhan. Nagbalik sa huwisyo at nakaalala.

    Naalala kung paano ako napunta dito. Kung bakit ako tumakbo sa kalsada. Kung bakit hinabol ko ang itim na kotse.

    Gusto ko magsalita at magtanong kay nanay pero di kinayang magsalita nang nananakit kong panga. Gusto kong itanong kung nilalagnat pa ba si Julius, kung nakainom na ba siya ng gamot o kung nakakain na sila.

    Pumikit ako. Tinanong ko sa kung sino man ang nakikinig, kung mayroon mang nakikinig sa tahimik kong pagsuko. Kung bakit hindi na lang niya ako hinayaan sa dilim. Bakit ko pa kinailangang mamulat muli sa liwanag gayong wala na rin naman akong makitang pag-asa?

    ***

    Naglakad ako pauwi. Dahan-dahan at hindi naman ako nagmamadali. Minamasdan ko ang asul na ulap na unti-unting nagiging kahel.

    Dinaanan ko ang posteng minsan ay magkabilaan naming sinandalan ni Mang Gimo. May nagtitinda ng basahan. Hindi na si Mang Gimo pero kamukhang-kamukha niya ito.

    Naglakad ako pauwi, nakasakbit sa balikat ang bag kong naglalaman ng mga class record.

    Napangiti ako sa naiisip. Ang bangketang ito na dinadaan-daanan lang ng karamihan ay naging malaking parte ng buhay ko. Malaking parte ng kung ano ako ngayon. Dito ako naghirap, nangarap, nakakita ng pag-asa at nawalan nito. Dito ako halos binawian na ng buhay para lang makatagpo ng mga tutulong para maibalik sa akin ito.

    Minsan kung kailan akala mo tapos na ang lahat, iyon pa lang pala ang simula.

    Sa bangketang ito ko nakilala ang taong nagsalba ng aking buhay.

    Hinahabol ko noon ang itim na kotse ng babaeng nakaantipara nang ako ay mabangga ng isang kotseng paparating.

    Hinahabol ko ang tangi kong pag-asa noong panahong iyon. At sa kakahabol ko ay nakalimutan ko na ang buhay ko. Nakalimutan kong may halaga rin ang buhay ko na higit pa kaysa sa pag-asang hinahabol ko.

    Hindi ko makakalimutan ang ginawang pagtulong sa amin nung may-ari ng kotseng nakabunggo sa akin. Hindi nila kasalanan na tumatakbo ako sa gitna ng kalsada pero sinagot pa rin nila lahat ng gastusin ko sa ospital at tumulong na rin sa pagpapagamot kay Julius. Sila ang tumulong sa akin na magsimula muli.

    Hindi ko rin makakalimutan ang aral na itinuro sa akin ng babaeng nakaantiparas. Tinuruan niya akong tingnan ang mundo sa ibang perspektibo. Hindi masamang magkaroon ng pangarap, at hindi masamang umasa. Ang masama ay kung aasa ka na lang nang hindi na nagsusumikap.

    Saglit akong napahinto sa aking paglalakad. Ngayon ko lang napansin na sa kinatatayuan kong ito, ilang dipa mula sa posteng kinatatayuan ng anak ni Mang Gimo ay kitang-kita ko ang paglubog ng araw. Naalala ko kung paanong araw-araw ay hinahabol ko ito. Hindi ko naiintindihan kung bakit napapanatag ako pag nakikita ko ang paglubog nito, ang saglit na pamamaalam nito sa mundo.

    Ngayon ko lang napagtanto.

    Ang pag-asa ay parang araw. Iwan ka man nito sa takipsilim, babalik naman ito sa pagsapit ng bukang –liwayway.

  • Central Station

    Central Station

    ni Wynclef Enerio

    Dala-dala ang amplifier at gitara, handa na kami ni Jepoy na tuparin ang aming pangarap.
    “Manong,” sabi ni Jepoy. “Jam tayo.”
    Sinapawan ng boses ni Manong sa pagkanta ng Royals ni Lorde ang alok ni Jepoy sa kanya. Pero halata sa pagbigkas niya ng mga salita ang pagkabarok sa lenggwahe ng kanta. Patuloy lang siya sa pagkaskas ng gitara. Kulot na ang kayumangging balat. Hindi maitatago nang itim na salamin niya ang kawalan ng paningin. Madiin na tinitipa nang makalayo niyang mga daliri ang mga chords ng kinakanta. Paminsan-minsa’y sumasabit sa string ang mga humahabang kukong tinataguan ng alikabok ng Maynila. Nangingitim na rin sa libag ang mukha ni Erap sa puting damit na suot niya.
    Sa gitna ng mga pagtugtog niya, dinadaanan lang siya ng mga tao. Halata sa mga malalambot na pagkaskas niya sa gitara na hindi niya alam ang nararapat na emosyon sa masayang kanta na ito. Walang sigla sa mga lirikong lumalabas sa bibig niya.
    Hindi pa rin siguro maitatago ng masayang kanta ang lungkot ng taong kumakanta nito.
    Sabog ang boses niya sa mic pati ang tunog ng gitara niya. Isang kupas na pulang Squire ang ginagamit niya, pero hindi ko alam kung original ang gitara niyang ‘to. Kupas na rin ang mga fretboards nito.
    Dito kami dumeretso ni Jepoy matapos malaman ang mga pumasa sa audition para sa mga tutugtog sa darating na Foundation Day ng paaralan namin. Wala kami sa mga napiling tutugtog sa event na ‘yon. Matapos ang mga ilang araw at gabing pagpa-practice, ‘yung mga kilala lang ng mga judge ang napili. Matagal na naming pinaplano na makatugtog sa harap ng mga tao, hindi na bale kung iilan lang, ang mahalaga, may nakikinig sa amin. At matagal na rin naming nakikita si Manong dito, kaya heto ang naisip naming paraan.
    Lumapit ako sa kanya. Namamawis ang palad ko. Nilulunok ko ang mga namumuong laway sa loob ng bunganga ko. Hindi ko pa rin maiwasang pagpawisan nang malamig kahit na hindi niya ako nakikita. Tinapat ko ang bibig ko sa tenga niya.
    “Manong,” sabi ko. “Jam tayo.”
    “Tara!” sabi ng Manong na nakangiti. Lumabas ang boses niya sa speaker ng mic. Nagtinginan ang mga tao sa paligid namin. “Anong tugtog?”
    Nagtinginan kami ni Jepoy, agad niyang tinanggal ang gitara sa bag. Binuksan ang amplifier.
    “Asin po, ‘Nong,” sabi ko.
    Sinagot niya ‘ko ng pagkalabit ng kwerdas. Mga kalabit na nagdadala sa akin sa mga araw na nasa harap ako ng bukid, hinahaplos ng hangin. Nagtinginan ang mga taong dumadaan sa amin. Sumasabay ang ugong ng LRT sa ibabaw ng Central Station habang nasa ilalim kami nito.
    “Kunin mo ‘yung mic,” sabi niya. “Ikaw ang kumanta.”
    Hindi ko alam kung kanino niya tinutukoy ang sinabi niya. Pero kinuha ko agad ang mic para habulin ang unang mga kataga ng kanta. Himig ng Pag-ibig ng Asin ang tinutugtog niya. Pinapanood kami ni Jepoy. Sumasabay din siya sa pagkanta ko habang gumagalaw na ang ulo ni Manong sa pagdama ng kinakalabit na melodya ng kanta.
    “Ako naman ang kakanta,” sabi niya. “Tugtog ka ng kanta ng Asin.”
    Si Jepoy naman ang kumalabit sa gitara. Tinapat ko ang mic sa bibig ni Manong.
    “Paborito ko ‘yan,” sabi ni Manong. “Usok ‘yan, ‘di ba?”
    “Opo, ‘Nong,” sabi ni Jepoy.
    Nang kumanta na si Manong, naging makulay ang kanina’y itim at puti niyang pagkanta. Nagsanib ang kanilang melodya na nagparami sa mga taong tumigil sa harap namin at nanood. Sumasabay din sa pagtugtog ang paghulog ng mga barya sa donation box ni Manong. Nagpalakpakan ang mga tao ng tinugtog ni Jepoy ang adlib ng kantang iyon.
    “Salamat sa inyo ha?” sabi ni Manong. Ngumiti siya. Sumilip ang tatlo na lang na ngipin na nasa itaas at lima sa ibaba.
    Iniligpit na ni Jepoy ang gitara niya’t tinanggal ko na rin sa saksakan ang amplifier niya.
    “Salamat din po, ‘Nong,” sabi ko. “Pero kailangan na po namin umuwi e.”
    “Ay gano’n ba,” sabi niya. “Ay sya, sige, ingat kayo a. Next time ulit.”
    Bumunot ako sa bulsa ko. Beinte pesos.
    “Ihulog mo na, ‘tol,” sabi ni Jepoy. “ako na bahala sa pamasahe mo.”
    Hinulog ko ang pera sa donation box.
    “Salamat,” sabi ni Manong. Nagtinginan kami ni Jepoy.
    Iniwan namin si Manong na umiinom ng tubig. Malayo na kami sa kanya’y narinig ko ang pagkaskas niya sa gitara. Nanumbalik ang lambot sa pagkaskas niya, pero walang lambing. Narinig ko ang boses niya. Nanumbalik sa itim at puti ang kanyang musika.

    * * * * * *
    “Hindi ko naman tugtugin ‘tong mga ‘to,” sabi niya noong balikan namin siya kinabukasan. Papalubog na ang araw, alam naming kailangan niya na ulit tumugtog. “Heto lang ‘yung pinapatugtog sa ‘kin ng nagdala sa ‘kin dito sa pwesto na ‘to.”
    “Pero, ‘Nong,” sabi ni Jepoy, “mas maganda siguro kung tutugtugin mo ‘yung mga gusto mong kanta. Parang hindi ka kasi masaya kapag iba yung mga tinutugtog mo.”
    Ngumiti si Manong.
    “Oo nga , e,” sabi niya. “Buti na lang, sinamahan niyo ‘kong tumugtog.”
    Ngumiti siya. Sumilip ulit ang tatlo na lang na ngipin na nasa itaas at lima sa ibaba. Hindi na rin naaahit ang mahaba’t inuuban na bigote niya, tumatakas na rin ang buhok sa loob ng ilong niya.
    “Kailan niyo balak umalis dito, ‘Nong?” tanong ko.
    “Hindi ko alam,” sabi niya. “Hindi naman ako nakakaalis dito. May nag-aalis sa ‘kin dito e. Hindi ko kilala kung sino.”
    Busina ng mga kotse ang sumagot sa amin.
    “Ano namang naisipan n’yo’t sinamahan niyo kong tumugtog?” tanong ni Manong.
    “Dati pa po talaga namin balak ‘to, ‘Nong,” sabi ni Jepoy. “Talagang nagawa lang namin noong hindi kami natanggap sa audition.”
    “Saang audition?”
    “Sa school po namin,” sagot ni Jepoy. “May event po kasi na nagpa-audition ng mga gustong tumugtog, pero ‘yung mga kilala lang nila ‘yung napili.”
    “Ay, gano’n ba,” sabi ni Manong. “Kaya pala dito niyo naisipang tumugtog na lang.”
    “Heto po talaga ‘yung gusto namin, ‘Nong,” sabi ko.
    “Ano bang bang gusto niyo?” Tanong ni Manong.
    “Paanong gusto po, ‘Nong?” sagot ko.
    “sa buhay,” sabi niya. “Kung anong balak niyo.”
    Nagtinginan kami ni Jepoy. Sinenyas niya na ako ang unang sumagot.
    “Gusto ko po talagang maging bokalista, ‘Nong,” sabi ko.
    “Ikaw?” sabi niya, pero nakaharap siya hindi sa amin kundi sa espasyo sa tabi namin. Sumagot si Jepoy.
    “gitarista ho talaga, ‘Nong.” Sabi niya. “Pero hindi ho kami makatugtog. Kasi po gano’n ‘yung sistema sa ‘min. Pati po puro aral lang din sa school na ‘yun.”
    “Ano bang inaaral mo ngayon?”
    “Civil Engineering po, ‘Nong,” sabi ni Jepoy. Umubo muna siya. “pero mag-e-enroll dapat ako sa Conservatory of Music sa UST, pero hindi ako pinagbigyan ng magulang ko. Gusto nila ‘kong maging engineer.”
    “Gano’n din ako, ‘Nong,” sabat ko. “Hindi ko rin naman talaga gusto ‘yon. Pero alam n’yo po ‘yun, parang nasasanay ka na rin. Parang no’ng high school lang pati elementary, kahit ayaw mo ‘yung subject, mapipilitan kang mag-aral.”
    “Hindi naman ako nakapag-aral,” sabi niya. “Kaya hindi ko alam ang masasabi sa inyo.”
    Ugong ng tren sa ibabaw naming Central Station ang sumagot sa amin.
    Umubo si Manong. “Hindi ko na maalala kung paano ako nagsimula rito. Basta noong una ‘kong humawak ng gitara, musika na talaga ang alam kong katuwang. Pinanganak akong bulag. Maagang nawala ang mga magulang ko. Napunta ko sa tiyahin ko, hanggang sa inabandona ako dahil hindi na nila ‘ko kayang buhayin.”
    “Pero hindi na siguro mahalaga ‘yun ngayon, ang mahalaga, nakakatugtog pa rin ako.” Patuloy niya.
    “Opo,” sagot ko.
    “tuloy lang kayo,” sabi ni Manong. “Iyang mga ‘yan, hindi mawawala kung ipagpapatuloy niyo. Ako, heto ang bumubuhay sa akin. Gitara ko ang bumubuhay sa ‘kin. Hanapin niyo kung anong bumubuhay sa inyo.”
    Ugong ulit ng tren mula sa Central Station ang sumagot namin.
    “Paabot naman ng tubig ko,” Sabi ni Manong habang nakangiti’t kinakapa ang paligid niya. Inabot ko ang tubig na nasa tabi ng amplifier niya.
    Lumingon ako kay Jepoy, nilalabas niya na ang gitara mula sa bag niya.
    “Tara ho,” sabi ni Jepoy. Ngumiti si Manong.
    Tinugtog namin ang Tuldok, Magnanakaw, at Gising na Kaibigan. Mas ramdam ko ngayon ang pagkanta ni Manong. Sa bawat kalabit niya sa gitara’t pagbakat ng litid sa pagbirit, nag-uumapaw ang melodya sa paligid. Pakiramdam ko’y nasa stage kami kasama si Manong. Kasama namin siyang natugtog sa harap ng mga tao, kahit na hindi niya ‘yon nakikita. Sunod-sunod ang naghuhulog ng mga barya. May mga ilan na tumitigil para manood. Pinagmamasdan ko ang mga bibig nila, sumasabay sila sa amin.
    “Palakpakan n’yo naman ang mga kasama ko,” sabi niya. Bilang sa sampu ang pumalakpak pero may mga naghulog pa ng barya sa donation box ni Manong.
    “Manong, paano ba ‘to,” paalam ko pagkatapos ng mga palakpakan at paghulog ng barya ng mga taong nanood. “aalis na naman kami.”
    “Iyon nga e,” sabi niya. Tumawa siya pero halata sa tawang iyon ang lungkot sa paghihiwalay ulit “Sa susunod ulit, ha?”
    “babalik ho kami ulit,” sabi ni Jepoy. “Ibang kanta naman po ha?”
    “sige!” sigaw ni Manong, nakatapat ang mic sa bibig niya. Nagtinginan ang mga tao sa paligid.
    Tumingin ako kay Jepoy.
    “Ako naman sasagot ng pamasahe mo,” sabi ko.
    Naghulog siya ng beinte pesos sa donation box.
    “Teka lang!” sabi ni Manong. Nagtinginan ang mga tao sa pligid niya. “balik kayo rito! May sasabihin ako sa inyo!”
    Lumapit kami sa kanya.
    “bakit po?” sabi ko.
    “Sa susunod, kayo lang ang tumugtog, ha?” sabi niya. “Gusto kong making lang.”
    “Sigurado ho kayo?” Tanong ni Jepoy.
    “Syempre,” ngumiti si Manong. “Sige, ingat kayo sa pag-uwi, ha?”
    “Ingat ka rin po diyan, ‘Nong,” sabi ko.
    Naglakad kami papalayo sa kanya. Tumugtog siya ulit ng kanta ng Asin. Tuldok ang kanta. Ngayo’y hindi na lang dadalawa ang kulay ng kanyang musika.
    * * * * * *
    Kinabukasan, kumpulan ng mga tao ang nadatnan namin sa pwesto niya. Dali-dali kaming lumapit ni Jepoy sa pwesto bitbit ang amplifier at gitara. Kakaunti na lang ang mga nagdaraang mga sasakyan. Nakabukas na rin ang mga ilaw sa poste na nakatutok sa daan. Nakasilip din ang bwan sa likod ng mga ulap. Pero sa pwesto ni Manong, doon lahat nagtipon ang mga tao sa lugar na ‘yon.
    Nagtanong kami sa isang matandang babae na bakat ang bilbil sa hapit na kulay pulang damit na may mukha ni Erap.
    “Ano pong nangyayari?” tanong ko.
    “’Yung bulag na natugtog dito, nasaksak,” sabi niya.
    Napalunok ako.
    “bakit ho?” tanong ni Jepoy.
    “Hinihintay niya na lang ‘yung kumukuha sa kanya rito e,” sabi niya. “Tapos may lumapit kasi sa kanya, dalawang lalaki ‘yun e. Inaagaw ‘yung gitara niya, lumaban naman ‘tong si bulag. Ayun, sinaksak nang ilang beses sa tagiliran. Kawawa nga, sigaw nang sigaw ng tulong.”
    “Bakit po walang tumulong?” tanong ni Jepoy.
    “Mahirap na,” sagot ng matanda. “baka madamay pa.”
    Napalunok ako.
    Sumingit ako sa mga taong nakiki-usyoso. Kumpulan sila, may mga hawak-hawak na cellphone, pinipiktyuran si Manong. Nakikisali ang ilaw ng poste sa mga flash ng mga cellphone. Ang dating nanlilimahid na damit niyang kulay puti na may mukha ni Erap, nakulayan na ng sariling dugo niya habang natagas ang dugo sa tagiliran niya. Hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha ko. Katabi niya ang salaming itim na siguro’y tumalsik sa pagbagsak niya. Hinihila na ako ni Jepoy papalayo sa mga tao. Naririnig ko ang ambulansya. Naririnig ko ang tibok ng puso ko. Kasing bilis ng pagpulasan ng tao nang padating na ang kukuha sa kanya. Kasing bilis ng unang pagkikita namin. Kasing bilis ng pagkawala niya.
    * * * * * *
    Hindi na ‘ko dumadaan doon mula nang mangyari yo’n. Hindi na rin ako kumakanta sa banyo kapag naliligo ako. Hindi ko na rin nakakasabay si Jepoy sa pag-uwi. Pero lagi niyang dala ang gitara niya. Bawat gabi, hindi matanggal sa isip ko ang mukha noon ni Manong. Kung gaano kabilis ang pagtangay sa ngiti niya, at ang oras na sana’y pwede pa kaming makatugtog ulit.
    Papalabas na ako ng school nang may biglang umakbay sa akin.
    “Tol,” pagkalingon ko. Si Jepoy. “Sabay naman tayo umuwi.”
    “May lakad pa ‘ko e,” sagot ko.
    “Dali na,”
    “May kailangan talaga ‘kong puntahan, tol.”
    “Sa Central Station na ulit tayo sumakay.”
    Napatigil ako. Hindi ako makapili ng mga salitang pwede kong isagot sa kanya.
    “Tara na,” dinala ako ng pag-akbay niya papunta roon. Dadaanan namin ang pwestong nagmarka sa akin.
    Pagdating namin do’n, gano’n pa rin ang mga tao. Parang walang nangyari. Pero meron talagang kulang.
    “Tignan mo ‘yun,” sabi niya. Tinuro niya ang pwesto ni Manong dati. May nakaupo roon, natugtog. Nakasalamin din. Asul na Squire ang gitara. Pero mahaba na ang buhok ng natugtog. Dali-daling tumakbo si Jepoy papunta sa pwestong ‘yon. Agad na tinanggal sa bag ang gitara’t sinaksak sa amplifier na naroon.
    “Jam na!” sabi ni Jepoy.
    Sa tabi niya, nakikita ko si Manong. Sa iba nakaharap, nakangiti.
    Ayokong kusutin o kumurap ang mga mata ko. Baka bigla siyang mawala ulit.
    Ngumiti ako’t tumakbo papunta sa pwestong iyon kasabay ng pagpapatuloy namin ni Jepoy ng nasimulang pangarap.
    Ang nahanap naming bubuhay sa amin.

  • Si Abe at Ang Kaniyang mga Tanong

    Si Abe at Ang Kaniyang mga Tanong

    “Abe, oras na para uminom ng gatas anak.” Ang sabi ng kaniyang Ina.
    Kaya naman dali – dali siyang tumakbo kasabay ng mga kapatid patungo sa kanilang ina. Nakahiga lang ito at hinihintay ang mga anak sa pag-inom ng gatas mula sa kaniya. Abe ang itinawag sa kaniya ng ina dahil iyon ang pinaikling pangalan ng amo niyang si Abelardo at malapit iyon sa kulay ng kaniyang balahibo. Iyon din kasi ang tawag ng amo niya sa kaniya. Siya ang unang pinangalanan nito sa kanilang magkakapatid. Nakapikit pa nga siya ng una niya itong marinig. Ang isa namang kapatid niya ay Brownie ang pangalan. At ang isa naman ay Blackie alinsunod sa mga kulay ng mga ito. Siya lang ang natatangi ang pangalan sa kanilang tatlo. Kaya naman pakiramdam niya isa siyang espesyal na tuta sa tuwing tinatawag siya nito.
    “Inay, bakit po pala Abe ang pangalan ko?” tanong ni Abe na katatapos lang pakainin ng ina.
    “Abe, dahil malapit ang pangalang iyon sa kulay ng balahibo mo anak. Kulay abo kasi ang balahibo mo. “
    “Kung ganoon po, espesyal po ba ako inay?” pagtatanong pa ulit ni Abe.
    “Espesyal kayong lahat sa akin ng kapatid mo dahil lahat kayo ay anak ko.”
    “Talaga po? Kung ganoon po, maaari po akong maglaro kung kalian ko gusto?”
    “Oo naman. Dahil bata ka pa kailangan mong maglaro para masanay kang kumilos.”
    “Kung ganoon po ay aalis po muna ako para maglaro.” Pagpapaalam ni Abe sa ina. Kakawag – kawag ang buntot niyang tinakbo ang kinaroroonan ng mga kapatid na nauna ng nakapagpaalam para makapaglaro.

    ——————————————-
    Isang araw nga pagkatapos uminom ng gatas ay naitanong niya sa kaniyang ina.
    “Ano po ang gagawin ko inay kapag dumating ang araw ng aking paglaki?”
    “Malalaman mo rin iyon sa takdang panahon, Abe.” Ang sabi ng inay ni Abe.
    “Hindi ko po ba pwedeng malaman na ngayon?” pangungulit ni Abe.
    “Pwede ko sa iyong ipaalam. Ngunit sigurado akong hindi mo maiintindihan dahil bata ka pa.”
    “Kung ganoon po nanay, hihintayin ko na lang po ang aking paglaki”
    “Mabuti iyan anak. Sa ngayon maging masaya ka muna sa paglalaro.”
    At muli na naman siyang tumakbo papalayo na kakawag –kawag ang buntot. Habang tumatakbo sa bakuran ay iniisip niya. Ano kaya ang gagawin niya sa pagtanda? Makakapaglaro pa rin kaya siya kapag tumanda? Makakapaghabulan pa kaya sila ng mga kapatid niya?
    Ngunit sa labis na pag-iisip ay naligaw si Abe. Napalayo yata ang takbo niya mula sa kinaroroonan ng ina. Nanginig siya. Natakot siya dahil baka hindi na makauwi sapagkat hindi niya na matunton ang amoy ng ina.
    Noon din ay napadpad siya sa bakuran kung nasaan si Monicang Manok na madalas na ikwento sa kanya ng ina. Kasama ni Monica ang mga anak nito. Nagkakahig sa lupa at tumutuka. Sa puntong iyon ay pansamantala siyang namangha at nakalimutan ang pagkaligaw.
    “Magandang umaga po, Aling Monica. Ako nga po pala si Abe at ako po ay nawawala. Ang nanay ko po ay hindi ko makita. Maaari po bang dito na muna ako para samahan kayo?”
    “Kak. Kak.” Ang sabi ni Monicang Manok. “Maaari naman kung iyon talaga ang gusto mo, Abe. Kak. Kak. Ngunit gusto ko sanang pabantayan sandali sa iyo ang mga anak ko. Ayos lang ba iyon sa iyo?”
    “Ayos lang po sa akin. Ngunit kapag naging makulit ang mga anak niyo at kung saan – saan tumakbo. Sa paanong paraan ko po kayo tatawagin?”
    “Kak. Kak. Narito lang ako sa aking pugad. Kailangan kong limliman ang dalawa pang itlog na naririto. Kak.Kak.” Sako ito umupo sa mga itlog. “Kak. Kak. Ngunit maaari kang tumahol para matawag ang pansin ko. Kak. Kak.”
    “Kung ganoon po ay babantayan ko na ang mga anak niyo.”
    ———————————

    “Pwede ko bang malaman ang ginagawa ninyo kaibigang sisiw?” tanong niya sa pitong sisiw na nasa harapan.
    “Naghahanap kami ng pagkain.” Sabay – sabay na sagot ng mga sisiw na animo’y mag-kakakambal.
    “Hindi ba kayo pinapakain ng inyong inay?” tanong niya pa uli.
    “Pinapakain noong umpisa. Ngunit tinuruan niya kami kung paano maghanap ng pagkain dahil iyon daw ang gagawin namin sa aming paglaki.” Sabay – sabay ulit na sabi ng mga sisiw.
    Aw. Aw. Aw. Tahol ni Abe. Agad na tumalon si Monicang Manok mula sa pugad.
    “Kak. Kak. Kak. Anong nangyari? Nasa panganib ba ang mga anak ko?” natatakot na tanong nito.
    “Ayos lang po sila Aling Monica. May gusto lang po sana akong itanong kaya tinawag kita.”
    “Ano ang itatanong mo, Abe?”
    “Alam niyo po ba ang gagawin ko kapag lumaki na ako?” tanong ni Abe kay Monicang Manok.
    “Kak. Kak. Naku! Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Kak. Kak.” sagot ni Monicang Manok habang nililingon ang mga sisiw nito.
    “Dahil po ba hindi kayo ang nanay ko?”
    “Kak. Siguro. Ang alam ko lang kasi ay ang gagawin ng mga anak ko kapag sila’y malalaki na. Kak.”
    “Wala po ba kayong kahit anong ideya?” tanong ulit ni Abe.
    “Wala Abe. Kak. Kak. Bata ka pa. Maging masaya ka muna sa paglalaro bago mo isipin ang pagtanda. Kak. Kak.” Ang sabi ni Monicang Manok.
    “Kung ganoon po ay maaari niyo po ba akong samahan para makabalik kay nanay?” pagpapaalam ni Abe.
    “Naku! Kak. Hindi kita masasamahan. May mga itlog pa akong kailangang limliman. Ngunit pwede ko sa iyong ituro ang direksyon pauwi sa iyong nanay.”
    “Talaga po? Kung ganoon po ay pwede niyo na po bang ituro sa akin ang daan?” masayang tanong ni Abe.
    “Kak. Kak. Doon! Maglalakad ka ng pakanan. At sa gilid ng haliging iyon ay naroon ang silungan. Iyon ang daan papunta sa iyong inay.”
    “Salamat po, Aling Monica.” At umalis si Abeng kakawag – kawag ang buntot.

    —————————————————–
    Sa paglalakad ni Abe patungo sa haligi ng bahay ay nakita niya ang isang gagamba na naghahabi ng sapot nito. Sumasayaw ang gagamba, iyon ang naisip niya. Gumalaw ito ng pakanan. Pakaliwa. Patalon. Kaliwa. Kanan. Si Abe ay namangha at muli niyang nalimutan ang pagkaligaw.
    “Magandang umaga, Gagamba. Pwede ko po bang malaman ang iyong ginagawa?” tanong ni Abe sa gagamba na minsan na ring naikwento ng kaniyang ina.
    “Ginagawa ko ang bahay ko. Nasira na kasi ang unang bahay na ginawa ko nang may dumapong insekto. Ano nga pala ang iyong pangalan abuhing nilalang?” tanong sa kaniya ng gagamba.
    “Abe. Katunog ng Abo, dahil iyon ang kulay ko. Ikaw, Ano pala ang pangalan mo?” masayang sagot at pagtatanong ni Abe.
    “Beni. Iyon na lang ang itawag mo sa akin.” Ang sagot ng gagamba.
    “Kung ganoon Beni, pwede ba kitang kaibiganin?”
    “Oo naman. Mula ngayon ay pwede mo na akong ituring na kaibigan.” sagot ng gagambang si Beni habang itinutuloy ang pag-gawa ng bahay niya.
    “Pwede ba akong magtanong, Beni?” sabi ni Abe.
    “Oo naman. Dahil natural lang ang pagtatanong at pagsagot sa magkaibigan.”
    “Alam mo ba ang gagawin ko paglaki ko?” ang tanong ni Abe kay Beni. Kumawag – kawag pa ang buntot niya. Pinagmamasdan ang nasa taas ng haligi na gagamba.
    “Hindi ko alam ang sagot diyan kaibigan.” Sagot ni Beni habang patalon – talon sa ginagawang bahay.
    “Baka mayroon kang kahit anong ideya?” pangungulit ni Abe.
    “Wala. Hindi ko talaga alam kaibigan. Ngunit alam ko ang mangyayari kapag lumaki ang mga anak ko. Bubuo rin sila ng bahay na gawa sa sapot katulad ko.”
    Nalungkot si Abe nang marinig ang sagot ng kaibigan niyang gagamba.
    “Dahil siguro hindi ikaw ang nanay ko kaya hindi mo nasasagot ang tanong ko.”
    Muli ay gumalaw ang gagamba ng pakaliwa. Pakanan. Pinagmamasdan lang siya ni Abe habang naghihintay ng sagot.
    “Maaari. O baka naman hindi ngayon ang tamang panahon para malaman mo ang sagot.” Ang sabi ni Beni.
    “Kung ganoon nga ay aalis na muna ako kaibigan. Maraming salamat sa mga sagot sa aking mga katanungan.” Ang sabi ni Abe sa kaibigang si Beni.
    “Walang anuman kaibigan. Sa ngayon ay huwag mo munang problemahin ang paglaki. Maging masaya ka muna at malibang sa paglalaro.” Sagot ng gagamba habang itinutuloy ang paghabi sa bahay na papatapos na.

    Bago lumiko sa haligi ay nginitian ni Abe si Bening Gagamba. Ikinawag-kawag niya ang buntot niya at nagpaduyan – duyan naman sa sapot si Beni habang ikinakaway nito ang walong galamay.
    “Salamat ulit kaibigang Beni.”
    ——————————————
    Ilang hakbang na lang ang layo ni Abe sa kaniyang ina nang makita niya ito. Sa tabi naman ng ina ay naroon ang dalawang kapatid nitong naglalaro. Kakawag – kawag ang buntot niyang tinakbo ang mga kapatid. Nakipaghabulan siya sa mga ito. Nagpaikot – ikot silang magkakapatid sa ina. Nang mapagod ay tinanong ni Abe ang ina.
    “Nay, ayos lang naman po kung hindi ko muna isipin kung ano ang gagawin ko paglaki ko hindi po ba?”
    “Oo naman, anak. Dahil hindi dapat minamadali ang paglaki.”
    “Kung ganoon po, magpapakasaya na lang po muna ako sa paglalaro. Maglilibang po muna ako dahil bata pa ako.”

    At magmula noon ding araw na iyon ay hindi niya na muna inisip pa ang tungkol sa pagtanda. Sapagkat siya’y bata pa. Saka na lang niya iisipin ang pagtanda.

  • Biyaheng Langit

    Biyaheng Langit

    “Uwi na tayo,” wika ng matandang lalaking animo’y puppet sa dami ng nakakabit sa katawan. Mayroong swero sa kanang kamay at mayroon din sa kaliwa.

    “Papa , Alam mo namang hindi na maganda sa iyo ang magbiyahe pa at mapagod,” sagot ng babaeng nagbabalat ng mansanas habang nakatingin sa telebisyon.

    “ At isa pa George , sabi ng doctor kailangan ka munang obserbahan,” sabat ng asawa ng matandang lalaki.

    “ Uwi na tayo,” muling wika ng matandang lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanila. Batid sa mga mata nito ang pagmamakaawa. Batid sa muka nito ang paghihirap sa kasalukuyang kondisyon.

    “ O siya! siya! Kakausapin ko ang doctor. Grace ayusin mo na ang mga gamit natin. Uuwi na tayo,” nangingilid ang luha sa mga mata ng matandang babae.

    Napangiti ang matandang lalaki. Pumikit. Nakatulog. Pansamantala.

    **********************************************************************************

    Sa Wakas!

    Matapos ang ilang linggong mabibigat na trabaho eto ako ngayon at nakaimpake na para bumalik sa aking tahanan. Sa probinsiya? Teka saan nga ba ako pupunta?

    Araw ng biyernes pasado alas tres ng umaga, gumising ako ng maaga para maabutan ko ang unang biyahe patungo sa kung saan. Suot-suot ang puting damit na iniregalo sa’kin ng aking nobya ay binaybay ko ang maikling kalye patungong istasyon ng bus. Medyo lutang pa ako at pakiramdam ko’y hindi nakasayad ang mga paa ko sa lupa. Siguro kulang lang ako sa tulog o baka siguro kulang lang ako sa kape.

    “Oh! Lima na lang tatakbo na,” sigaw ng kundoktor na laging nakangiti.

    “Mukang maganda ang gising ng isang ito ah. Mukang kumpleto ang tulog. Buti pa siya,” wika ko sa aking isipan.

    Pagpasok ko sa loob ng bus naghanap agad ako ng lugar na mauupuan. Dala-dala ang malaki kong maleta umupo ako sa bandang gitna ng bus katabi ang isang lalaking mukang lutang din. Mukang kalahating tulog at kalahating gising.

    Ilang minuto pa ay tumakbo na ang bus kahit hindi pa ito ganap na puno. Dahan-dahan. Parang karo ng patay. Parang pakiramdam ata ni manong drayber mga patay ang nakasakay sa bus niya. Humikab ng malaki ang katabi ko . Parang naramdaman niyang lalo siyang hinehele sa bagal nang andar ng nasabing sasakyan. Tumingin ako sa bintana at aking napagmasdan ang araw na tila ba nahihiyang nakasilip sa pagitan ng mga bundok. Ang ganda ng eksena. Bakit ba hindi ko ito nakita noon? Magandang umaga. Maganda pala ang bawat umaga.

    Maya-maya pa ay humarurot na ang bus. Ang kaninang mala“karong” pagpapatakbo ay napalitan nang mala“ambulansyang” pagmamaneho. Mabilis , matulin pero maingat. Swabe ang byahe ng biglang….

    “Ano ba yan?” sigaw ng isang babae sa may bandang likuran ng bus.

    “Dahan-dahan naman,” sigaw pa ng isa.

    Naalimpungatan ang katabi ko. Nagkamot ng ulo. Bahagyang nainis sa ingay na nagmula sa likod. Ang dahilan kung bakit nag-aalburuto ang mga pasahero ay nang dumaan ang bus sa lubak-lubak na kalsada. Lahat ng pasahero ay nagmistulang mananayaw (na nakaupo) na sumusunod sa saliw ng musika. Kalog ang bilbil (kung meron). Kalog ang utak (kung meron).

    Ilang saglit pa ay naging banayad na ulit ang biyahe. Tahimik na ang lahat ng walang anu-ano’y…

    “UhhhHaa!.” “UhhhHaa.!” kasabay nang pag-alingawngaw ng iyak ay ang pag-alingasaw ng amoy ng produktong prinoseso ng tiyan. May ilang nagtakip ng ilong at ang karamihan ay tinitigan lang ng matalim ang tantiya ko ay nasa isang taong gulang na bata. Kung nakakamatay lang ang tingin sigurado akong namatay ang bata ng walang kalaban-laban nung mga oras na iyon. Habang naiyak ang bata ay niyapos naman siya ng kanyang ina. Inaalo. Pinipilit na pinapatahan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maawa sa aking nakikita.

    Payapa muli ang biyahe . Sinilip ko ang oras sa aking relo. 7:35 pa lang ng umaga. Maaga pa. Dala ng kabagutan nagsimula akong magmasid sa loob ng bus.

    “Pssst!” “Pssst!”

    Agad akong napalingon. Isang bata ang sumusutsot sa isa pa. Naglalaro sila. Sinisilip ang isa’t isa mula sa isang upuan sa di kalayuan at hahagalpak ng tawa pag nakitang nakabali ang leeg ng kalaro at pilit na sumisilip. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagtatawanan o kung may nakakatawa ba sa ginagawa nila, pero napangiti ako. Hindi sila magkakilala pero nagawa nilang pasayahin ang isa’t isa. Tumigil ang bus sa isang istasyon at sa hindi inaasahang pagkakataon bumaba na yung isang bata hila-hila ng kanyang tatay. Bakas ang kalungkutan sa muka nilang dalawa. Naisip kong makipaglaro din sa batang naiwan pero baka magmuka lang akong tanga. Huwag na lang.

    “Pssst!” “Pssst!”

    Muli akong lumingon. Nakita ko ang batang naiwan na nakangiti sakin. Napansin niya sigurong pinagmamasdan ko sila kanina. Dahan-dahang humubog ang ngiti sa aking mga labi.

    Suot-suot pa din ang ngiting nakapinta sa aking mga labi ay bumalik na ko sa regular kong pagkakaupo. Aking napuna ang dalawang magkasintahan o mag-asawang nakaupo sa aking harapan. Inam ang kanilang lambingan o harutan o kung ano pang tawag mo sa pinaggagawa nila. Kulang na lang makakita ako ng puso sa ibabaw ng kanilang mga ulo. Dumantay ang babae sa balikat ng lalaki. Akmang matutulog. Dagli namang hinalikan ng lalaki ang ulo ng babae. Nailang ako at binaling ang tingin ko sa mag-amang nakaupo sa di kalayuan.

    “Wow! Kalabaw ang dami,” sambit ng batang lalaki.

    Namangha ako sa ganda ng tanawin pero ang mas umagaw ng atensiyon ko ay kung papaanong manghang-mangha ang bata sa kanyang nakikita. Parang isang pirata na nakakita ng kuwebang puno ng kayamanan. Nakalapat ang dalawang palad sa salamin ng bus habang pinagmamasadan ang ganda ng kapaligiran. Batid kong abot langit ang ngiti ng bata nung mga oras na iyon.

    “Papa! Papa! Andaming puno oh.”

    Walang-lingon ang lalaking nakakurbata na mukang abalang abala sa laptop niya. Nakakunot pa ang noo na parang may iniintinding matinding problema sa kanilang kumpanya. Wari ko’y isa siyang negosyanteng abalang-abala sa pagkakalkula kung ilang oras pa ang uubusin niya para kalkulahin ang mga oras na nasayang niya. Nalungkot ako sa aking nakita.

    Balik ang tingin ko sa mag-asawa o magkasintahan sa aking harapan. Ngayon sila ay wala ng kibuan. Hindi magkahawak ang kamay. Walang ulong nakadantay. Bahagyang nakabaling sa magkabilang anggulo ng upuan. Isa sa kaliwa. Isa sa kanan.

    “Ah. Malamang sa hindi nag-away ang dalawang ito,” sa isip ko.

    Bumuhos ang malakas na ulan bandang tanghali dahilan para bumagal ang takbo ng aming sinasakyang bus. Kinapa ko ang bag ko at kinuha ang aking music player. Sinuot ang headset. Nagpatugtog ng kanta. Pinikit ang mga mata. Nagpahinga. Nakatulog. Pansamantala.

    “Sir andito na po tayo.”

    Unti-unting dumilat ang mga mata ko at naaninag ang muka ng konduktor na tila may sinasabi.

    “Ano?” tanong ko habang pupungas-pungas pa sa aking kinakaupuuan.

    “ Andito na po tayo,” ulit ng konduktor.

    “Saan?”

    Nilingon ko ang aking mga nasa likuran. Wala ng pasahero maliban sa dalawang matanda sa aking harapan na mabagal na tumatayo. Inaalalayan ni lolo si lola para lumabas sa nasabing sasakyan. Buong pagtataka kong tinignan ang muka ng dalawang matanda. Parang sila yung dalawang magsing-irog kanina na naghaharutan sa harapan ko. Parang tumanda sila. Mukang naalimpungatan lang ako dahil sa biglaang paggising sa’kin ng konduktor.

    Sumungaw ako sa bintana sa labas. Nakita kong kulay ng nagtatalong kahel , dilaw , pula, at konting asul na ang kalangitan. Tumila na ang ulan. Ang kaninang nahihiyang araw ay lulubog na ngayon. Tinignan ko ang relos ko. 5:30 na pala ng hapon. Napansin ko ang aking kamay kung saan nakasuot ang relos ko. Kumulubot , pumayat , natuyo at bumakat ang maninipis na ugat. Natakot ako. Nagtaka. Naguluhan. Hinawakan ng konduktor ang braso ko at pilit akong hinihila papunta sa harapan ng bus . Hinigit ko ang braso kong hawak niya. Tinignan ko ang maleta ko. Tinignan niya rin ito, pagkatapos ay umiling. Sa sobrang gulo at bilis ng mga pangyayari hindi ko namalayang nahila niya na ko sa may pintuan ng sasakyan sa likod ng drayber. Inihain ng konduktor ang palad niya sa akin. Parang naintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig. Agad akong bumunot sa aking bulsa ng limang daan bilang bayad sa pamasahe. Muling umiling ang konduktor.

    “Siguro kulang pa,” sabi ko sa isip ko.

    Dumukot ako ng isang libo pa at inalagay sa palad ng konduktor.

    Blankong tingin lang ang nakuha ko sa kanya. Tinignan ko ang drayber. Nakakasilaw. Hindi ko maaninag ang buo niyang kaanyuan.

    “Ano ba to holdap?” nagulat ako sa boses na narinig kong nagmula sa akin. Parang nanghina, parang namaos at parang tumanda.

    *ehem*

    Nilinis ko ang aking lalamunan at umasang ang pagbabagong naganap ay dulot lamang ng nakabarang plema.

    “Ano to holdap?” ulit ko. Wala paring nagbago sa aking tinig.

    Dahil sa takot ay kinuha ko ang lahat ng laman ng aking pitaka at inabot ito sa konduktor. Nakakalokong tango ang natanggap ko mula sa kanya.

    “Maari na ba akong bumaba?”

    “Saglit lang.” Sa kaunaunahang pagkakataon nagsalita ang drayber ng bus.

    Biglang nagbago ang anyo ang bus. Parang bigla itong nagkalasan . Parang nagbago ang kulay ng kapaligiran. Parang pinintahan ng puti ang bawat espasyo. Unti-unting naging malawak ang lugar. Para akong nasa langit. Para akong nakadroga. Teka ano na bang nangyayari? Nananaginip lang ba ako? Nasaan na ba ako?

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa isang puting silya. Katabi ko ang drayber na ngayon ay nakatayo na sa aking kanan. Nawala sa eksena ang konduktor.

    “Makinig ka anak. Ang buhay mo ay isang paglalakbay. Isang biyaheng makabuluhan. Isang karanasang punong-puno ng aral na hindi mo dapat kalimutan.”

    Matikas ang tinig ng drayber pero hindi nakakatakot. Matikas pero malambing.

    “Anak? Nung nasa lupa? Bakit sino ka ba? Nasaan ba ako? Ikaw ba yan ‘tay? Di ba matagal ka ng patay? Teka patay na ba ako?” sunod-sunod kong tanong.

    “ ‘Yan ang problema sa iyo kahit noong ikaw ay nasa lupa pa. Puro ka tanong pero hindi mo naman hinihintay na sagutin kita. Hindi ka marunong makinig. Hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan ka lang ba o sadyang ayaw mo lang ako pakinggan.”

    Tinamaan ako at napahiya sa sinabi niya. Bagamat andami kong gustong itanong ay pinili ko na lamang manahimik at makinig. Baka sakaling sagutin niya nga lahat ng mga katanungan ko.

    “Handa ka na bang makinig?” tanong niya.

    Tumango ako bilang tanda ng pagsang-ayon.

    “Tignan mo ito,” kinumpas niya ang kanyang kamay sa hangin.

    Hindi ako sigurado kung literal na nakikita ng mga mata ko ang mga pangyayari sa bus kanina o naiisip lang ng utak ko. Parang akong nanonood sa sinehan ng naka-3D. Mas higit pa dun. Parang andun mismo ako ulit. Astig!

    Unang imaheng lumabas ay ang batang nagpasabog ng lagim sa bus na tangan-tangan ng kanyang ina at pilit na pinapatahan.

    “Lahat ng tao dumudumi, lahat ng tao nagkakasala at nagkakamali. Umiiyak ang bata sa kadahilanang ito ay humihingi lamang ng pang-unawa. Binigyan kita ng magulang upang ipadama sa’yo na may mga taong kaya kang mahalin ng walang hinihinging kapalit. Na may mga taong kaya kang tanggapin sa kabila ng iyong mga kamalian at may mga taong hindi ka iiwan kahit minsan binibigyan mo na sila ng kahihiyan. Ngayong magulang ka na alam kong alam mo ang pakiramdam ng isang amang handang kalabanin ang mundong mapanghusga para sa kanyang anak.”

    Lumitaw ang pangalawang imahe ng dalawang batang estranghero na nakikipaglaro sa isa’t isa.

    “Hindi masamang magtiwala. Hindi masamang tumawa sa mga simpleng bagay. Bumaba ang bata sa isang istasyon upang ipaalala sa iyo na may mga tao talagang dadaan lang sa buhay mo at mag-iiwan lang ng mga aral at alaala. Huwag kang matakot subukang makipaglaro sa tadhana lalo na’t ang nakataya dito ay ang iyong kaligayahan. Walang masama kung gagawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo basta’t wala kang inaapakang tao. Subukan mong lumingon, malay mo nakangiti na pala itong naghihintay sa iyo.”

    Ang pangatlong imahe kong nakita o naisip ay ang batang sobrang eksayted sa tanawin at ang ama niyang nakakurbata na punong abala sa mga bagay na hindi naman mahalaga.

    “Sa mundong inyong ginagalawan lahat kayo ay hinahabol ng oras at panahon, kaya wag kang magsasayang ng kahit na isang segundo kapag kasama mo ang mga taong mahalaga sayo – Pamilya mo , Mahal mo o Kaibigan mo. Huwag mong idahilan na ikaw ay abala para hindi ipakita ang pagmamahal mo sa kanila. Huwag mo ring hayaan na kainin ng pride at hiya mo ang tunay mong nararamdaman . Dahil sa huli kahit na anong pagsisisi ang gawin mo, hindi mo na maibabalik ang mga panahon na may pagkakataong kang sabihin kung gano sila kahalaga. Sapagkat hindi permanente ang buhay.Hindi sa lahat ng oras ay kaya nilang pakinggan at paniwalaan ang mga sasabihin mo. At higit sa lahat ,hindi sa lahat ng oras ay andiyan pa sila para maramdaman ang pagpapahalaga mo.”

    Ang sumunod na imahe ay ang magsing-irog na magkasama buong biyahe.

    “Ganyan ang pag-ibig. Ganyan ang pag-aasawa. Sabay kayong naglalakbay.Sabay kayong bubuo ng mga pangarap at sabay niyo rin itong tutuparin. May mga panahong ito ay sobrang saya at may mga panahon namang hindi ito maganda. Walang perpektong relasyon pero may perpektong pang-unawa. Alalayan ang isa’t isa kung kinakailangan. Unawain ang isa’t isa ng walang pag-aalinlangan. Mahalin ang isa’t isa sa kabila ng kakulangan.”

    Unti-unting lumilinaw sakin ang lahat. Kung sino ako at kung sino talaga ang drayber na nasa tabi ko. Sinubukan kong magsalita ngunit walang lumabas na tinig sa aking bibig. Tumingin SIYA sa akin at sinabing:

    “Sobra-sobrang oras na ang binigay ko sa iyo sa mundo para magsalita . Pagpahingahin mo muna ang iyong mga labi at paganahin ang iyong tainga. Maupo ka lang at makinig, bibigyan ko ng linaw ang lahat.”

    Ngumiti siya at nagpatuloy.

    “Inuulit ko. Ang buhay mo ay isang paglalakbay. May mga oras na mabagal ito na akala mo’y wala ng mangyayari sa iyong buhay. Huwag ka sanang maging katulad ng katabi mo na kalahating tulog at kalahating gising sa buong paglalakbay. Ang gusto ko lang sa mga panahong ito ay makita mo at bigyang pansin ang mga simpleng bagay na hindi mo lubos akalain na magbibigay sa iyo ng kasiyahan. Libre kong binigay ito sa iyo, ang gusto ko lang ay mapansin mo.”

    Nilapat niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang balikat. Ang gaan ng loob ko sa kanya.Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Oo nga. Siguro nga.

    “Huwag kang magmadali na marating ang nais mong puntahan. Huwag magmadaling abutin ang iyong mga pangarap. Binigyan kita ng sapat na oras para tuparin ito. Sapat lang para hindi ka masyadong lumiko sa daang gusto mo talagang tahakin. George, Huwag kaligtaan na mas mahalaga ang dahilan kung bakit ka nangangarap kaysa sa mga pangarap mo mismo.”

    Hindi na ko nagulat na kilala niya ako sa aking pangalan dahil alam ko mas higit pa dun ang alam niya. Kilala niya ako mula ulo hanggang paa. Kilala niya ang buo kong pagkatao.

    “Dadaan ka sa lubak-lubak na panahon. Huwag ka sanang nakasinghal agad bagkus matuto ka sanang magtiwala. Ako ang drayber mo at kailanman hindi kita ipapahamak. Masaya ako na noong mga panahong maulan ay payapa kang pumikit at nagpahinga. Salamat sa tiwala. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng lisensiya para patakbuhin ang iyong buhay. Pangako hindi kita ililigaw.”

    Ang gaan ng pakiramdam ko. Kung panaginip lang ito ayoko ng magising. Kung ito nga ang langit ayoko ng bumalik sa lupa. Isang salita. Kapayapaan. ‘Yan ang nararamdaman ko ngayon.

    “Lahat ng bagay ay kumukupas. Lahat ng paglalakbay ay natatapos.Tapos na ang oras na pihiram ko sa iyo at andito ka na ngayon sa destinasyon mo. Iwan mo na lahat ng kayaman mo sa lupa.Tara na’t umuwi sa tunay mong tahanan, doon hindi kita pababayaan.”

    Tanging luha ang naisagot ko sa lahat ng sinabi NIYA. Humihikbi ako. Tumatangis. Nakatayo ako ngayon sa kanyang harapan. Niyakap niya ako. Nag-alangan akong yumakap pabalik. Hinawakan niya ang likod ng aking ulo at inilapat ito sa kanyang dibdib.

    “Naririnig mo ba ang tibok ng puso ko? Kailanman hindi ka nawala dito.”

    Yumakap akong pabalik sa kanya.

    *****************************************************************

    “Uuwi na ko,” wika ng matandang lalaki.

    “Pero lolo andito na tayo sa bahay niyo,” sagot ng batang babae habang abalang sinusuklayan ang kanyang laruang manika.

    “At isa pa, hindi pa po kayo pwedeng umalis kasi maglalaro pa tayo. Diba lolo?” sabat ng batang lalaki habang nililikom ang ibang laruang nagkalat sa sala.

    “Uuwi na ko,” muling wika ng matandang lalaki na ngayon ay nakatingin sa kawalan.

    “O siya! siya! Tama na muna ang laro at magpapahinga na ang lolo niyo,” sambit ng matandang babae habang naglalakad patungo sa kinalalagyan ng asawa.

    Hinawakan niya sa balikat ang kanyang asawa. Malamig ito. Tinignan niya ang muka at labi. Maputla. Kinabahan siya. Nilapit ang tenga sa dibdib ng asawa. Nangilid ang luha sa mata ng matandang babae.

    Nakangiti ang matandang lalaki. Nakapikit. Payapa. Natutulog. Panghabambuhay.

  • Paper Crane

    Paper Crane

    Class, gusto kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong kamag-aral…si Jillian…magpakilala ka sa kanila, Jillian…”

    “I’m Jillian Sandoval and I’m 10 years old…” Lumingon siya sa akin at ngumiti.

    Love at first sight. First Love. Puppy love. Rolled into one.

    Hindi mahalaga ang kalendaryo kapag bata ka. Malalaman mo na lang na birthday mo na pala dahil binabati ka na naman ng kapamilya mo na mas nakakaalam na ng kalendaryo. Basta ako, alam ko na dumating si Jillian ‘nung malapit nang mag Christmas, noong nasa Grade 4 ako, at pumasok siya sa mismong eskwelahan at klase ko noong unang araw ng Grade 5 ko.

    Ang totoo, doon din ako umuuwi sa inuuwian ni Jillian. Sabi sa akin ni Itay, galing sa Amerika si Jillian. May sakit daw kasi ito at dinala roon bago mag-isang taong gulang. Dahil wala nang tatao sa bahay ng amo ni Itay kung kaya’t doon na muna kami tumira. Hanggang sa bumalik nga ang pamilya nina Jillian doon sa malaking bahay bago mag-Pasko.

    Solong anak si Jillian. Kung titingnang mabuti, maputla siya at payat, pero siya na yata ang pinaka-magandang babae na nakilala ko. Panay ang tukso sa akin noon ni Ate. Hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil sa kakaibang pag-aasikaso ko lagi kay Jillian, sa madalas naming paglalaro, o siguro, talaga lang nasasabik akong may kalaro noon na kasing edad ko. Paano kasi, third year high school na noon si Ate. Ang layo ng agwat namin para maglaro pa ng mga gusto kong laro.

    Isa pa sigurong napansin ni Ate ay ang maaga kong pag-uwi lagi. Dati kasi, kung saan-saan kami nagpupunta ng mga kamag-aral ko. Dumadayo kami sa bukid para manghuli ng tutubi o kaya ay mamitas ng bayabas. Mula nang dumating si Jillian, nasasabik ako laging makita siya, bukod pa sa lagi niya akong binibigyan ng oatmeal cookies na paborito nilang lutuin ng mommy n’ya.

    ***

    Unang araw ng klase. Uwian. Magkasama kami ni Jillian sa waiting shed sa tapat ng eskwelahan habang hinihintay namin si Itay. Bumuhos ang ulan. Nagulat ako nang tumakbo si Jillian na tuwang tuwa. Sinigawan ko siya na bumalik at huwag magpakabasa. Hindi siya nakinig. Sumugod na rin ako. Basang-basa kaming pareho nang masalubong namin ang sasakyan nila na minamaneho ni Itay. Ganoon na lang ang galit sa akin ni Itay. Ako raw ang pasimuno kung kaya’t nagpakabasa si Jillian. Oo nga’t madalas ko iyong gawin dati kapag naiinip ako sa pagsundo niya, ngunit sa pagkakataong ito, wala akong kasalanan.

    Galit na galit sa amin ang mga magulang ni Jillian. Nakatingin sa akin si Sir William habang panay ang mura nito nang malutong sa aming mag-ama dahil sa nangyari. Hindi nangatwiran o umimik si Itay sa talagang nangyari. Sa tagal ng paninilbihan ni Itay sa pamilya nina Jillian, noon lamang siya napagsalitaan ng masakit. Nagpaalam si Itay na tatapusin na niya ang paninilbihan kina Sir William. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng inis kay Jillian dahil sa nangyari. Isang buwan ang hiningi ni Itay para kami makahanap ng titirhan. Ngayon ko naisip na pride marahil ni Itay ang nagbunsod sa kanya para bitiwan ang matagal na paglilingkod kina Jillian.

    Hindi na ako nagtaka nang sumunod na araw kung bakit wala si Jillian sa klase. Maging ang mga sumunod na araw. Hanggang sa tinawag ako ng Mommy ni Jillian noong huling araw sa unang linggo ng klase. Gusto raw akong makita ni Jillian. Bantulot akong sumunod. Ayoko sana, kaso, wala akong magawa.

    ***

    Nakangiti siya sa akin. Alam kong may sakit siya dahil lalo pa siyang naging maputla at nangayayat. Tinanong niya ako ng mga nangyari sa eskwelahan. Bahagya lang akong nagkwento. Pagdaka’y pilit siyang bumangon at iniabot sa akin ang isang tinuping papel na tila isang ibon.

    “Paper cranes…” sabi niya.

    “Anu’ng gagawin ko rito?” may halong pagtatakang tanong ko.

    “Gagawa tayo ng one thousand na paper cranes.”

    “Wan tawsan? 100..200…” nag skip counting ako. “…ang dami nun, ang daming papel…para saan ba?”

    “Para gumaling ako…para makapaglaro na tayo ulit saka gusto ko nang pumasok sa school…”

    “Eh di magdasal ka na lang, ganun ang ginagawa dati ni Inay kapag may nagkakasakit sa amin ni Ate…”

    “Iba yung one thousand paper cranes…”

    “Paano ba kasi…hindi naman ako marunong…”

    “Ganito lang…” Nagsimula siyang magtupi ng papel. Pinagmasdan ko’ng mabuti. Kung talagang gagaling si Jillian, handa ko sigurong kayanin ang magtupi nito, naisip ko. Saka ko napansin ang bracelet na nangingintab sa bisig niya at ang palawit na pusong naroroon.

    “Sabi mo sa akin dati, ayaw mo ng mga pang-mayamang mga gamit?” tanong ko sa kanya habang sinusuri ang bracelet.

    “Totoo naman. Ito…palatandaan ito na mabait ako…”

    “Huh?”

    “Oo…may sakit ako dati pa. Sabi ni Daddy, kailangan ko raw ng bagong kidney kaso wala namang gustong magbigay…saka ayoko, lalo na kung alam ko na bibilhin nila galing sa ibang tao…gusto ko, kusa.”

    “O, e saan nga ‘to?”

    “Para sa puso ko…”

    “May sakit ka rin sa puso?”

    “Hindi…kung walang gustong magbigay sa akin, tapos mamamatay ako, ‘yung puso ko na lang ang ibibigay ko sa nangangailangan.”

    “Pwede ba yon?”

    “Gusto mo ba?”

    “Syempre hindi…saka hindi ko naman kailangan eh.”

    “Teka,..para saan nga ulit yung wan tawsan na paper cranes?” pag-iiba ko sa usapan. Nalungkot akong malaman ang sakit ni Jillian. Mas lalo akong nalungkot na ipamimigay lang niya sa iba ang puso niya.

    “Sabi sa alamat ng mga Japanese, pagbibigyan daw ang isang kahilingan ng sinumang makagagawa ng one thousand paper cranes.”

    “Ang dami naman kaya napaka-imposible.”

    “Kung mahal mo ako, tutulungan mo akong kumpletuhin yung one thousand.” Nakangiti siya habang iniaabot muli sa akin ang tinupi niyang paper crane.

    Nagulat ako sa sinabi niya. “Kung mahal mo ako…” Sa takot. Sa mga bagay na hindi ko pa naiintindihan kahit nararamdaman ko. Hindi na ako nagpaalam. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumakbo akong pauwi sa amin hawak ang dalawang pirasong paper cranes.

    ***

    July 16, 1990. Isang buwan matapos ang insidente, tuluyan kaming nagkahiwalay ni Jillian. Umuwi na kami nina Itay sa Porac, samantalang sina Jillian, nauna nang umalis papuntang Baguio. Sabi ni Jillian sa akin, mas mabuti raw sa kanya ang sariwang hangin doon, ayon sa daddy niya. Tinanong niya ako kung ilan na ang nagawa kong paper cranes. Hindi ako kumibo. Ang totoo, wala akong nagawa kahit isa. Nanlumo ako na kailangan naming umalis. Nanlumo ako na kailangan ding umalis nina Jillian. Gusto ko sanang sabihin kay Sir William na gusto ko’ng hintayin ang pagbabalik ni Jillian pero hindi ko nagawa, saka sabi ni Itay, narinig ko silang nag uusap ni Ate, na ibebenta na rin ng pamilya nina Jillian ang bahay, at babalik na sa Amerika kapag wala na si Jillian. May taning na raw ang buhay nito dahil sa malalang komplikasyon sa kidney. Pakiramdam ko, una pa akong namatay kay Jillian.

    Halos hapon na nang dumating kami kina lola sa Porac. Saka lumindol nang malakas. Natakot ako, kaming lahat. Ilang beses pang yumanig. After shocks. Saka ang balita kinagabihan. Napinsala nang husto ang Baguio. May gumuhong hotel. May mga natabunang bahay. Land slide sa mga daan. Ilang araw pa bago nakabalita si Itay sa nangyari kina Jillian. Wala silang sinabi sa akin ni Ate. Basta nakita ko silang umiiyak pareho.

    Kinuha ko ang dalawang paper cranes mula sa pagkakaipit sa notebook ko. Isa-isa kong pinilas ang pahina ng notebook ko para gawing paper cranes pero mas nakita ko ang dahilan kung bakit ko iyon pinipilas. Galit ako. Sa ulan. Sa lindol. Sa sarili ko.

    ***

    Mula nang araw na iyon, nangako ako sa sarili ko. Isang paper crane isang araw. Tapos, kung totoo talaga iyon, baka maaaring hilingin ko sa Crane Legend na ibalik ako sa araw na nakilala ko si Jillian. Isang paper crane bago ako matulog. O dalawa o tatlo kung di ako dinadalaw ng antok. Halos naka 450 paper cranes na yata ako nang biglang sumabog ang Mt. Pinatubo humigit kumulang isang taon mula nang umalis kami kina Jillian. Talaga yatang tadhana ang naghihiwalay sa amin maski sa pag-asa ng kabataan ko noong naniniwala sa magic ng paper cranes. O siguro, mas naniniwala ako sa magic ng pag-ibig namin ni Jillian kaysa sa magic ng paper cranes. Kaso nga lang, tinabunan ng abo ang paper cranes. Nangangalahati pa lang ako halos para itaboy na naman palayo sa natitira kong pag-asa.

    ***

    Mula sa Porac, nakakuha ng relocation sina Lola sa Cavite. Bagong simula. Hindi na ‘ko siguro aabutan dito ng Pinatubo. Unang gabi ko ng paglipat namin, paper crane agad ang inatupag ko. Gusto kong maniwala katulad ng paniniwala ni Jillian. Hanggang sa dumating ang pasukan, First year, first day, first class. Wala kami halos ginawa kundi linisin ang abo ng Pinatubo na umabot dito. Napansin kong hinihika ang katabi kong babae kaya inabutan ko siya ng panyo ko. Ngumiti siya sa akin. Ngayon na lang yata ulit ako napatitig nang matagal sa mukha ng ibang babae. Saka ko hinahanap ang pamilyar na ngiti ni Jillian. Wala. Nakaka-ilang paper cranes pa lang ako.

    Recess. Nagulat ako nang isauli niya ang panyo ko kasabay ang pag-aabot ng tatlong piraso ng oatmeal cookies na nakabalot sa tissue. Naalala ko si Jillian at ang oatmeal cookies nila ng mommy niya na naging paborito ko. Tumanggi ako. Sabi niya, wala naman daw siyang sakit. Tumanggi pa rin ako. Nakita ko na nalungkot siya sa ginawa ko. Unang araw pa naman ng klase. Sinipat ko siya nang palihim. Nakita ko siyang nagtutupi ng papel. Kabisado ko ang bawat galaw. Alam kong paper crane ang tinutupi niya!

    ***

    Weird, oo alam ko. Sobra’ng weird. Pero alam mo yung mas sobra pang weird doon? Lian ang pangalan niya. Gusto kong isipin na siya si Jillian. Kaso hindi. Umiwas ako sa kanya bagamat halos araw-araw kaming magkasama sa iisang klase at iisang eskwelahan. At dalawa pang sumunod na taon. Hindi ko binanggit kahit kanino ang tungkol sa oatmeal, ang paper cranes o mismong ang alaala ko kay Jillian. Hanggang dumating ang JS prom. Sa tatlong taon, may mga gabi akong pumalya sa paggawa ng paper cranes. Saka ko binilang ang naka-talang lista mula sa dingding ng kwarto ko. Nine hundred ninety nine, kulang-kulang 3 years… Isang crane pa…naisip ko,ano kaya kung sa gitna ng mismong sayawan, yung kamay na hawak-hawak ko ay ang kamay na mismo ni Jillian. Isang crane pa…

    Kaso dumating na ang mga kabarkada ko. Mamaya na siguro yung crane kahit habang nasa school. Tinupi ko ang papel saka isinilid sa bulsa ko.

    “Oist, sabi ni Ma’am, daanan daw natin si Lian.”

    “Naku hindi,” tanggi ko kay Jenna .

    “Ano bang meron kay Lian at talaga namang pansin ko na parang lagi mong iniiwasan?”

    “Wala naman.”

    “Hoy, huwag ka ngang mayabang…maganda naman si Lian ah.”

    “Me sinabi ba akong panget siya?”

    “Sus! Alam mo, sa totoo lang, kundi lang kami nakakakopya sa’yo saka nakikinabang sa talent mo sa paggawa ng projects, di ka rin namin papansinin!”

    “Haha! Ang sabihin niyo, hindi lang talaga kayo makakopya kay Lian dahil sa karamutan sa inyo ng babaeng yun!”

    “Abnormal! Kung kokopya kami sa kanya, baka wala ka na sa Top 10! E di pag nagkaganun, ang panget mo na, wala ka pang brains na masasabi! Hahahaha!”

    “Lika na Jenna, tandaan mo na may 4th grading pa…nakuuu!” pasakal kong yaya kay Jenna na naging isa sa mga kabarkada ko.

    Sa totoo lang, kinakabahan ako na pumunta sa bahay nina Lian maski pa kasama ko si Jenna at iba pa naming kaeskwela. Basta yung weird na first time kaming nagkakilala ang naiisip ko. Sa tapat ng trangkahan nila kami tumigil. Pigil hininga ako. Ngayon, lalo akong humanga kay Lian. Mahirap lang sila. Siguro, mas mahirap pa sa amin. Kitang-kita sa tindig at itsura ng bahay nila. Humanga ako dahil si Lian ang pinakamatalino sa amin. Humanga ako kasi kahit na naging iwas ako sa kanya, may mga pagkakataong siya pa ang lumalapit sa akin. Saka ko naisip ulit si Jillian. Kung gaano kalayo yung buhay naming dalawa pero ginawan niya ng paraan na magkalapit kami sa napakaikling panahon na magkasama kami noon. Saka yung sabi niya na “Kung mahal mo ako…” dahil alam kong mahal din niya ako.

    Naputol ang pag-iisip ko nang lumabas ang nanay ni Lian at patuluyin kami. Ayaw daw kasi’ng umattend ng JS prom ni Lian dahil hindi raw bumagay ang nahiram na damit. Pumasok si Jenna sa kwarto ni Lian para kausapin ang kaibigan. Naiwan kami ng Nanay ni Lian sa sala.

    “Ikaw yung supladong madalas i-kwento ni Lian ano?”

    “H-Hindi naman po…” pautal kong pagsisinungaling.

    “Kuhhh…mga bata kayo… hindi naman ninyo kailangang magpaligsahang dalawa.”

    “Naku…hindi po talaga…” Yun ang totoo, wala sa interes kong makipag-paligsahan.

    “Madalas umuwing malungkot yan kasi hindi mo nga raw pinapansin…kako baka sadya lang na hindi ka palabati, eh hindi naman daw…inakala ko pa ngang bakla ka eh…haha!”

    Namula ako sa hiya.

    “Eh bakit ho ba ayaw umattend ni Lian?” pagbabago ko ng usapan.

    “Ang mali ko kasi, yung nahiram kong gown eh bahagyang mababa yung tabas para itago yung pilat ng opera niya sa dibdib.”

    “B-Bakit ho…m-may opera si Lian sa puso?” Nanginginig ako sa pagkakatayo ko.

    “Ay, oo…sa awa ng Diyos, apat na taon na yata…may sakit kasi sa puso yang batang yan at talagang alam namin na anumang oras eh…” Nakita kong bahagyang may namuong luha sa mata ng nanay ni Lian. Bahagya itong sumandig sa akin.

    “Alam mo bang kasagsagan ng lindol…sa takot ng batang yan eh inatake sa puso at halos mamatay…mabuti na lang…” Tuluyan na itong napaiyak.

    “Si Jillian…” Mahina kong nausal.

    “B-Bakit mo alam?” Pagtatakang tanong ng nanay ni Lian na bahagyang nagulat sa pangalang binanggit ko.

    “A-Ang sabi ko ho, ako na ho ang bahala kay Lian…ngayong gabi.” Habang buhay. Hanggang sa kabilang buhay. Yun ang eksaktong nasa isip ko.

    Saka ko nakitang lumabas si Lian mula sa kwarto nito. Nakatutop ang kamay sa bandang itaas ng dibdib. Bahagyang nagulat nung makita ako at ang nagpapahid ng luhang magulang.

    Namumuo ang luha sa mata ko habang dali-dali kong dinukot ang papel at nanginginig ang kamay kong dahan-dahang tinupi ang pang one-thousand na paper crane.

    Tuluyang pumatak ang luha sa mata ko kasabay nang pagkakatapos ng huling tupi.

    “Huwag mong sabihing hihingi ka sa akin ng sorry…” Bahagyang may pagtataka, bahagyang may sungaw na ngiting tanong ni Lian sa akin habang pilit sinisipat ang mata kong may luha.

    Hindi ako kumibo. Hinawakan ko ang palad niya at iniabot ang huling paper crane.

    Noon pa lang unang araw na magkita kami, alam kong alam na niya…

    Ang tanging laruan at libangang magpapaalala sa amin kung gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig…

  • Absuwelto

    Absuwelto

    Hanggang ngayon ay mabigat pa rin sa aking kalooban kapag naaalala ko ang nangyari sa amin ni Carina…38 years old na ako samantalang siya naman ay 18 years old pa lang. Sa akin nya naisuko ang kanyang pagkabirhen last year at nagbunga ito ng isang supling na babae. Napaka sarap ng feeling nuong sandali na inaangkin ko siya dahil sa bukod sa napakasariwa niya pa ay ubod pa ng ganda..Tanda ko pa nuon ng nagsimula lang kami sa biruan hanggang sa nagging close kami..Tuwing umuuwi siya sa buhat sa eskwela ay dumadaan siya sa bahay upang makipagkwentuhan sa akin.Minsan naman pag week end ay nagpupunta siya sa akin upang makipanood naman ng DVD. Ok lang sa kanyang mga magulang na magpunta siya nang nag iisa sa bahay dahil tiwala naman sila sa akin. May asawa at anak na ako at halos ay kasing edad niya ang aking panganay. ..Malambing siya sa akin at sinuklian ko naman ito ng pagmamalasakit…Minsan kasi ay nagkaproblema siya sa pinansyal at naiwala niya ang malaking halaga ng organisasyon nila sa school dahil siya ang class treasurer…iniwan nya lang kasi ang kanyang bag sandali sa counter ng isang cr sa mall at nang balikan niya ito ay wala na ang lamang pera at bag na lang ang naiwan…Iyak siya ng iyak nuon ng pumunta sa bahay at natatakot sabihin ito sa kanyang mga magulang. 8k kasi ang halagang nakolekta at di naman sila ganung kayaman kayat mahihirapang maibalik ni Carina ang pera…Dito nagsimula kung bakit mas lalong nagging malapit sa akin si Carina. Sa madaling salita ay tinulungan ko siya at ako ang nagbigay ng pera sa kanya para maibalik ito …

    Kilala siya ng aking misis at ok lang naman ang madalas niyang pagpunta sa bahay close din siya sa aking mga anak. Paminsan minsan pa nga ay tumutulong si Carina sa gawaing bahay kay misis eh. Hindi batid ng aking asawa na binigyan ko ng pera si Carina dahil sinabi ko ito sa dalaga na wag niyang intindihin kung paano ito bayaran pa.Habang nagtatagal nuon ay parang napapansin ko na paganda ng paganda si Carina lalo na at siya pa ang hinirang na Prom Queen sa school nila ( medyo late na kasi siya nang mag high school). Siyempre ako na naman ang sagot sa lahat ng gastusin at lingid ito sa aking misis…Hanggang isang araw ay nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ni misis at nagplano sana ako na umalis kinabukasan upang mag mapalamig man lang ng ulo…

    Tyempo naman ng paglabas ko nung gabing iyon ay nasalubong ko si Carina na papunta sana sa bahay namin.Sianabihan ko muna siya na wag muna tumuloy dahil mainit din ang ulo ni misis. Niyaya ko na lang siya muna na mag snack kami sa Jolibbee duon sa may kanto namin. Habang kumakain kami ay sinabi ni Carina na may field trip sila kinabukasan at alam na ng parents niya na kasama siya…

    Tinanong ko kung may allowance ba siya at sinabi niyang meron naman. Sinabi ko kay Carina na may balak naman akong mag unwind muna kinabukasan para umiwas muna sa aking asawa.Nang tinanong niya ako kung saan ako pupunta ay pabiro kong sinabi na sa enchanted kingdom…Di ko sukat akalain na seseryosohin yung biro ko na iyon ni Carina at sinabi niyang sasama na lang daw siya sa akin at di na lang siya sasali sa field trip nila dahil nuon pa raw niya pangarap na makarating duon…Medyo naguluhan ako nuon at napaoo na lang ako dahil biglang naawa naman ako kay Carina kung sasabihin kong niloloko ko lang siya…

    Ganun na nga ang nangyari at sa Enchated nauwi ang pag uunwind ko,hehehe at maaga pa lang ay dinaanan ko si Carina sa meeting place namin.Hindi alam ng mga magulang niya at nang aking asawa na magkasama kami. Sa loob ng Enchanted Kingdom ay talaga namang napakasaya niya at pati ako ay nagbalik ng pagkabata. Lagi siyang nakayakap sa akin at mapagkakamalan mo talagang magsyota kami.Paminsan minsan nga ay humahalik pa siya sa aking pisngi at panay ang thank you. Sa di inaasahang pagkakataon ay biglang kumulimlim at bumuhos ang malakas na ulan. Naghintay pa kami sana kung titigil pa iyon ngunit nagtuloy tuloy pa ito. Napansin ko na medyo inaantok na si Carina kayat niyaya ko siyang magpunta kami sa aking kotse para dun na lang umidlip. Sa pagtakbo namin papuntang carpark ay kapwa kami nabasa sa ulan at pagpasok namin sa loob ay halos maaninag ko na ang mga utong ni carina pati na ang kanyang malulusog na mga suso sa kanyang maninipis at basang basang t shirt…Giniginaw siya ng mga sandaling iyon kaya nag isip ako kung ano ang magandang gawin…

    Bumalik uli ako sa loob ng park upang bumili ng 2 souvenir shirt upang pansamantalang mapalitan ang damit ni Carina. Pagbalik ko sa loob ng car ay naka bra na lang si Carina at nagtanggal na pala siya ng damit niya dahil basang basa nga ito..Hindi ko alam pero parang bigla talaga ako nag init ng mga sandaling iyon. Lalo pa ako nagulat ng tanggalin bigla ni Carina ang kanyang bra bago sinuot ang t shirt na binili ko. Basa rin daw kasi kayat patutuyuin na lang daw niya muna. Ewan ko kung dahil ba sa walang malisya siya sa akin o dala lang nang ka inosentehan niya kung kayat nagawa niya iyon na hindi man lang tumatalikod sa akin. Halos kasi lumuwa ang aking mga mata nang makita ko ang kabuuan ng kanyang maaalindog na mga suso. Nagpalit na rin ako ng damit at pagkatapos ay nagkwentuhan kami ng kung ano ano…Tinanong ko siya kung nagka Bf na siya at sinabi niyang dati , si Jojo..,kaya lang nakipag break siya dahil minsan ay tinangka siyang ipasok nito sa isang motel na may dalang video recorder para itape ang gagawin nila.Mayaman kasi ang lalaking iyon at kilalang spoil brat sa lugar namin. Biglang nadagdagan ang kabog sa aking dibdib ng malaman kong nahalikan na pala siya ng kanyang dating BF sa mga labi…Tinanong ko siya kung ano naman ang naramdaman niya? Sinabi ni Carina nung una ay kinakabahan siya ngunit nang magtagal ay nasasarapan na siya lalo na raw kapag hinihimas ng kanyang BF ang kanyang mga suso habang naghahalikan sila. Siya na lang daw ang umiiwas pag masyado na siyang nadadarang. Pero minsan daw ay muntik na talagang may mangyari sa kanila dun mismo sa bahay nung guy dahil halos wala na silang saplot sa katawan nang biglang dumating ang parents nung BF niya kayat dali dali silang nagbihis….

    Habang nagkukuwento si Carina ay nakasandal na siya sa aking dibdib at naka akbay naman ako sa kanya…Medyo inihiga ko yung chair na inuupuan niya at nagtanong uli ako sa kanya. Tinanong ko sa kanya kung sakaling dumating ang parents ng BF niya nuon ay ibibigay ba niya kaya ang kanyang puri? Hindi nya raw alam kung ano mangyayari pero isa lang ang alam niya na nasasarapan siya nuong sandaling yun…Pag kasabi ni carina nuon ay sabay siil ko sa kanya ng halik sa kanyang labi dahil di na ako nakapag pigil..Medyo pumalag siya nung una ngunit talagang mapangahas na akon nuon at sabay dakma ko sa kanyang mga suso at marahan kong hinimas habang nakahinang ang aking labi sa kanyang labi…Tulala man ay unti unting nagpaubaya si Carina sa aking ginawa at sa tingin ko ay dahan dahan na rin siyang nadarang sa akin…Matagal kaming naghalikan at halos makabisado ko na ang kurba ng kanyang mga suso sa walang humpay kong paglamas.Iba talaga pag sanay ka na sa sex at ang kaparehas mo ay halos inosente pa sa bagay na ito. Kabisado ko na kung paano siya lalong mapag init tulad sa pagsipsip ko sa kanyang mga mala kulay rosas pang mga nipple…Rinig na rinig ko ang kanyang pag ungol sa bawat pag dila ko sa kanyang mga utong…Ako na mismo ang nagkusang tumigil na medyo nahimasmasan ako..Wala kami halos kibuan nuon nang binagtas ko ang kahabaan ng SLEX pabalik ng manila.

    Sa C5 kami dumaan ngunit sa di inakala na sobra ang trapik. Nagkataon naman na nagsabi si Carina na medyo na iihi na siya. Nakakita ako ng U turn slot at dito ako umikot at napadako kami sa gilid ng ultra…Medyo parang nabitin kasi ako kanina at tamang tama naman na nasa tapat na namin ang mga motel duon sa pasig. Sa una ay balak ko lang naman sanang subukan kung mapapapayag ko siya kung sakaling ako ang magyaya sa kanyang mag check in. Nung pagtanong ko sa kanya kung ok lang ay walang atubili siyang sumang ayon. Di ko sure nung una kung dahil lang ba sa naiihi na talaga siya o kaparehas ko lang din siyang nabitin. Pag pasok namin sa kuwarto ay deretso agad siya sa CR. Hindi ako mapalgay nuon sa pangyayari at pagkakataong nakahain ngayon sa akin at parang automatic na biglang tumigas ang aking ari dahil sa sobrang excitement sa mga susunod na mangyayari. Para sa akin nuon ay bahala na kung saan kami hahantong ni Carina. Nasabay pa nuon ng maalala ko ang tampuhan namin ni misis dahil sa mga nahuli kong mga text message sa kanya ng isa kong kumpare. Ito tuloy ang nagpalakas ng loob sa akin para mangyari ang hindi dapat sa amin ni Carina. Sa madaling salita ay natuloy ang kanina ay nasimulan namin ni Carina. Halos para akong nakarating sa ikapitong Gloria ng paulit ulit kong inangkin ang kasariwaan ni Carina. Parang di ako nauubusan ng lakas ng sandaling iyon dahil talaga namang napakasarap ng batang batang si Carina. Duguan at napakaraming bahid ng dugo ang kubre kama ng humupa ang pagnanasa ko sa kanya. Medyo parang naluha si Carina nang matapos kami at kapwa kami di makapaniwala sa nangyari…Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili dahil sa sobra kong kasabikan ay sa loob ng sinappupunan niya ko pinaalpas ang lahat ng katas ng aking pagnanasa sa dalagitang si Carina. Bigla akong kinabahan sa maaaring kahantungan ng ginawa namin…ang siya’y mabuntis…Umuwi kami ng halos 9 pm na ng gabi. Sa may kanto ko siya ibinaba at ako naman ay nagpaikot ikot pa muna sa aming subdivision para di mahalatang magkasama kami. Wala kaming napag usapan ni Carina kung papano na ang nangyari sa amin basta parehas kami kapwa naguguluhan…

    Kinabukasan nuon ay di pumasok si Carina sa school dahil masama daw ang pakiramdam.Simula na nuon ng tuluyan niyang pag iwas sa akin at panay naman tanong ni misis kung bakit di na nagpupunta si Carina. Kinakabahan ako nung mga araw na iyon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na malaman iyon ng kanyang mga magulang dahil tiyak na iskandalo ito sa buong angkan namin…Subalit makaraan ang 2 buwan ay may nakarating sa aking balita…Next month daw ay ikakasal si Carina sa dati niyang BF. Nagulat ako kung bakit biglaan. Sabi ng misis ko ay nagpasya ang mga magulang nila Carina at nung lalaki na ipakasal sila dahil BUNTIS na si Carina…nagbilang ako nang araw pabalik nung magtalik kami bago ako nakasiguro na sa akin nga ang dinadalang bata sa sinapupunan ni Carina. Hindi ko na kasi naka usap mula nuon si Carina kung kayat wala akong alam kung paano nangyari na nagkabalikan sila ng kanyang BF. Basta ang sabi ng misis ko ay para atang napikot yung lalaki base sa mga tsismis sa kanto…Dun ko na napagtanto na si Carina na mismo ang gumawa ng paraan para wag ako masangkot sa malaking eskandalo ng aming pamilya kung sakali….BAKIT? ??

    Kasi si Carina ay aking PAMANGKIN!!! Panganay na anak siya ng aking kuya Brando.